Banat ni Sharon: Gov’t not managing this health crisis effectively

Image capture from YT video by Sharon Cuneta Network
  • Sharon Cuneta sinabing hindi epektibong pinangangasiwaan ng pamahalaan ang COVID-19
  • Patuloy umano ang pagtaas ng COVID case sa bansa, sobra-sobra ang mga pasyente sa mga ospital at kulang ang test kits
  • Nanawagan siyang unahing iligtas ng administrasyon ang mga mamamayan

Hindi epektibong pinangangasiwaan ng gobyerno ang COVID-19 pandemic yamang patuloy ang pagtaas ng kaso sa bansa, sobra-sobrang pasyente sa mga ospital at kakulangan ng test kits; ‘yan ang pahayag ni Megastar Sharon Cuneta makaraang sabihin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na gumagana ang COVID-19 response ng pamahalaan.

Imahe mula sa Facebook ni Atty. Harry Roque

Nasabi kasi ni Roque naging epektibo at gumagana ang mga hakbang na isinasagawa ng gobyerno dahil sa napigilan ang pagkahawa ng milyun-milyong Pilipino salungat umano sa naunang prediksyong inilabas ng University of the Philippines (UP).

Ani Roque, “It’s working. Because if we didn’t take steps, then millions would have fallen sick from COVID-19 like what UP initially predicted. It’s working, because only a small number di*d from the disease.”

Pero, pahayag ni Sharon, “Sir, WHAT is WORKING?! We see the numbers rise everyday. The hospitals are overflowing with COVID-19 patients like never before. We still don’t have enough Test Kits. The government, Sir, has NOT been managing this health crisis effectively.”

Dagdag pa ng sikat na mang-aawit, dapat binigyang prayoridad umano ng administrasyon ang pagsugpo sa pandemya kesa sa pagpasa sa Anti-Terrorism Bill, ang mga pagdinig at hindi pagrenew sa prangkisa ng ABS-CBN, at ang panukalang pagpapalit sa pangalan ng NAIA.

Image capture from IG post by Sharon Cuneta

“NOW?!!! Our attention can no longer be diverted from COVID-19 by ANYTHING else our leaders may think up next,” sabi nito.

Nagmakaawa si Sharon na sana’y unahin na muna ang kaligtasan ng mga mamamayan lalo pa umano at marami ang nagtitiwala sa administrasyon, at sana’y ilabas nila aniya ang katotohanan.

Imahe mula sa Facebook ni Sharon

Loading…