Batas na magbibigay ng P1,000 work-from-home allowance isinusulong sa Senado

Imahe mula sa F&B Report Magazine
  • Isinusulong sa Senado ang panukalang batas na magbibigay ng P1,000 WFH allowance
  • Ang panukala ay inihain nina Senador Francis Tolentino at Senador ‘Bato’ Dela Rosa
  • Ang nabanggit na insentibo ay hindi rin dapat buwisan ng gobyerno

Isinusulong ngayon sa Mataas n Kapulungan ang batas na magbibigay ng hindi bababa sa P1,000 na work-from-home allowance kada buwan para sa mga empleyadong sa bahay lamang nagtatrabaho.

Ang nasabing insentibo ay hindi rin bubuwisan, ayon sa Senate Bill No. 1684 na inihain nina Senador Francis Tolentino at Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Dela Rosa

“The onslaught of the COVID-19 pandemic has forced Filipinos to embrace the concepts of telecommuting and working from home,” anang explanatory note ng panukalang batas.

Simula nang ipatupad ang lockdown noong Marso, karamihan sa mga empleyado ng ilang kumpanya ay napilitang magwork-from-home (WFH) dahil sa banta ng coronavirus.

Subalit naging kaakibat naman nito ang karagdagang gastos sa kuryente, internet at maging sa tubig.

Isa ito sa naging basehan ng panukala nina Dela Rosa at Tolentino kung saan ibinigay na halimbawa ang pagtataya ng Meralco na maaaring tumaas ng hanggang 39% ang kunsumo ng kuryente kada buwan para isang WFH set-up.

“Working from home tends to increase utility consumption, particularly electricity. Residential energy use has risen due to more people staying at home. These additional expenses are out of the employee’s own pockets and for the benefit of the employer’s business,” paliwanag ng mambabatas.

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Tolentino

Kaya dapat umanong tulungan ang mga empleyado upang mabawasan ang epekto ng pandemiya sa kanilang kabuhayan.

“Assistance must be provided to the employees in order to cushion the impact of this new normal and make this practice sustainable,” anila.

Sa sandaling maipasa ang panukalang batas na ito, papatawan ng parusang hanggang P10,000 ang sinumang mapatunayang lumabag dito.

Loading…