Batas na nagbibigay kapangyarihan sa Pangulo para ipagpaliban ang pagbukas ng klase, pirmado na

Imahe mula sa Facebook DepEd
  • Nilagdaan na ng Pangulo ang Republic Act 11480 na nag-aamyenda sa Republic Act 7797
  • Ito ang magbibigay kapangyarihan sa Pangulo para ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa panahon ng emergency
  • Saklaw nito ang lahat ng basic education schools kabilang na ang foreign at international schools

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay kapangyarihan sa punong ehekutibo para ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa panahon ng state of emergency o state of calamity.

Ang Republic Act No. 11480 na nag-aamyenda sa Republic Act 7797 ay nilagdaan ng Pangulo noong ika-17 ng Hulyo at inilathala sa Official Gazette nitong Lunes, Hulyo 20.

Imahe mula sa CPJ

Ayon sa naturang batas ang pagbubukas ng klase ay dapat nasa pagitan ng Hunyo at Agosto subalit maaari itong ipagpaliban ng Pangulo ng bansa kung kinakailangan at ayon sa rekomendasyon ng Kalihim ng Department of Education (DepEd).

“The school year shall start on the first Monday of June but not later than the last day of August: Provided, that in the event of a declaration of a state of emergency or state of calamity, the President, upon the recommendation of the Secretary of Education may set a different date for the start of the scholar year in the country or parts thereof,”  anang batas.

Screenshot mula sa Official Gazette

Nasasaklaw umano dito ang lahat ng basic education schools kabilang na ang mga foreign o international schools.

Nasa kapangyarihan naman ng Kalihim ng DepEd ang pagtatalaga kung kailan matatapos ang pasukan na may pagsasaalang-alang sa Christmas at summer vacation.

“In the exercise of this authority, the Secretary of Education may authorize the holding of Saturday classes for elementary and secondary levels for public and private schools,” wika pa ng batas.

Imahe mula sa Facebook

Samantala, nagpapasalamat naman si DepEd Secretary Leonor Briones sa paglagda ng Pangulo sa bagong batas at ang pagkilala sa rekomendasyon ng Kalihim para dito.

 “We will issue corresponding implementing rules and regulations (IRR) soonest as required by the law,” ani Briones.

Ayon pa kay Briones, ang huling petsa na napag-usapan nila sa Malakanyang para sa pagbubukas ng klase ngayong taon ay sa Agosto 24.

Loading…