“Beast mode” na online seller, kinaaliwan ng mga netizens

  • Kakaiba ang marketing strategy ng isang online seller na patok naman sa mga netizens
  • Imbes kasi na maging magiliw sa mga online buyers, “beast mode” ang estilo niya
  • Sabi niya, kapag hindi umorder ang mga buyers, itatapon na lamang niya ang mga produkto

Patok na patok ngayon ang online selling dahil mabilis ang pagkita ng pera sa pamamagitan lamang ng pagpo-post ng produkto gamit ang mga social media platforms, lalo pa’t marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng regular na pinagkakakitaan dahil sa mga ipinatupad na community quarantines.

Kapag online seller ka, kailangang maging matiyaga, matimpihin, at magiliw  sa pagsagot sa mga paulit-ulit na tanong ng mga online buyers. Ngunit kakaiba naman ang estilo ng online seller na nagngangalang “Bernardo Alporha” dahil “beast mode” ang entrada niya sa mga online buyers na makikita sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Bernardo Alporha

Batay sa mga larawang ibinahagi ng online seller, nagtitinda siya ng mais at peanut butter. Aniya, “50 pesos per kilo ng mais, 120 pesos ng bote ng peanut butter. Order na kayo, kapag hindi kayo umorder itatapon ko ‘to.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Galing ng marketing strategy ni Tatay. Huwag po ninyong itapon, bibili na lang po kami hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ganito magbenta. Mapapabili ka na lang kasi manghihinayang kang itapon ng seller yung produkto niya. Pabili nga po! Good job sa marketing strat! Hindi iyan ituturo sa mga business schools hahaha.”

“Yung online seller na masasabihan ni Bobby Salazar ng pelikulang Four Sisters and a Wedding na Bakit kasalanan ko? Parang kasalanan ko? Hahaha. Nice marketing style. Ganito dapat ang mga nagtitinda. Mas makukuha ang atensyon ng mga online buyers. Kudos, ‘Tay!” papuri naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Bernardo Alporha

Marami naman sa mga mambabatas ang nagsusulong na magkaroon ng batas na magbibigay-proteksyon sa mga online sellers at buyers upang maiwasan ang panloloko at pandaraya sa kanila.

UPDATE:

Ayan, nasa Shopee na po siya dahil sa dami ng orders.  Kapag 10 pcs ang order pataas, may special discount pa! Good job!

Source :

Facebook

Loading…