Boxing fans nabuhayan ng loob sa mistulang hamon ni McGregor kay Pacquiao

Image by Conor McGregor via Facebook/Image by Manny Pacquiao via Facebook
  • Social media reply ni Conor McGregor, pinaniniwalaang hamon kay Manny Pacquiao
  • Nabuhayan ng loob ang boxing fans dahil dito, umaasang matutuloy ang Pacquiao-McGregor bout
  • Isa sa pinakamatitinding nakatunggali na ng Irish athlete si Floyd Mayweather Jr.

Mukhang nabuhayan ng loob ang mga tagasuporta ng sport na boxing makaraang mistulang hinahamon ng mixed martial arts superstar Conor McGregor si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa isang duwelo.

Image by Conor McGregor via Facebook

Binati kasi ni Pacquiao si McGregor sa kaarawan nito kamakailan na sinagot naman ng huli ng “Thank you Emmanuel, 170.”

Marami ang naniniwalang ito’y hamon ng mixed martial arts superstar para kay Pacquiao para sa isang boxing match sa 170 pounds. Karaniwang lumalaban si Pacquiao sa welterweight limit na 147 pounds.

Makailang beses na ring nasabi ni McGregor ang pagnanais nitong makatunggali ang Filipino world champion. At kung magaganap nga ito ay paniguradong kikita lalo pa’t pareho silang nasa Paradigm Sports.

Kabilang sa matitinding nakatunggali na ng Irish athlete ay si Floyd Mayweather Jr. noong August 2017 sa T-Mobile Arena sa Paradise Nevada kung saan nanalo si Mayweather via technical knockout sa 10th round.

Matagal nang umugong ang balita sa paghaharap nina Pacquiao at McGregor sa boxing ring na inaasahang maganap sa susunod na taon dahil sa malabo na itong mangyari ngayong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

“Naiinggit lang”: Sagot ni Pacman matapos banggitin ni Mayweather na ‘old man’ na siya

Nauna nang sinabi ng Filipino athlete na maayos pa ang kanyang pisikal na kondisyon at may balak pang makipag-duwelo sa boxing ring oras na matapos na pandemya.

Image by Manny Pacquiao via Facebook

Sinagot din niya ang sinabi ni Mayweather na huwag na umanong hangarin ng mga batang atleta na makatunggali si Pacquiao dahil may edad na ito.

Pero, buwelta nito, “Naiinggit lang ‘yun kasi retired na siya. Kami, active pa, at saka may korona pa tayo.”

Image from Floyd Mayweather Jr. Instagram/4mikeywilliams via Manny Pacquiao Instagram

Loading…