Buhay mag-aaral: Naranasan mo na bang ma-“good time” ng buong klase?

  • Bumalik sa gunita ng mga netizens ang alaala ng kanilang high school life
  • Dahil ito sa isang larawang ibinahagi sa Facebook page na “Papa”
  • Makikita sa larawan ang “pang-good time” ng buong klase sa kanilang kamag-aral na nakatulog habang talakayan 

Aminin man natin o sa hindi, mas masaya pa rin talaga ang pagpasok sa paaralan at nakikita limang beses sa isang linggo ang mga guro at kaklase. Bukod sa iba’t ibang mga araling tinatalakay, tunay na nakami-miss ang mga “good time” o kalokohang ginagawa ng inyong klase kapag wala ang mga guro, o sa panahon ng break time.

Kaya naman, nanariwa sa gunita ng mga netizens ang kanilang mga karanasan noong sila ay pumapasok sa paaralan lalo na noong high school, dahil sa isang larawang ibinahagin sa Facebook page na “Papa.” Makikita sa naturang larawan ang isa sa mga “good time” noon ng mga magkakaklase: ang pag-iwan at panggugulat sa isang kaklaseng nakatulog sa kalagitnaan ng talakayan ng guro. Paggising niya, lahat pala ay nakatingin na sa kaniya!

Imahe mula sa Facebook page na Papa

Kinatuwaan naman ito ng mga netizens at nagbigay sila ng kanilang salaysay hinggil sa kanilang mga karanasan.

“Hahaha. Yeah… I remember this. Antok na antok kasi ako that time. Kaya napapapikit ako sa discussion ng teacher, hindi ko na sasabihin kung anong year and subject. Hindi ko na namalayang borlogs (tulog) na ako. Tapos, maya-maya narinig ko na lang na nagpapaalam na ang klase kaya tumayo ako at nagpaalam sa teacher. Laking-gulat ko, ako lang nakatayo. Mga hayop ang mga kaklase ko hahaha,” saad ng isa.

Kuwento naman ng isa, “Relate-much ako diyan! Hahaha. Ako ang pasimuno ng kalokohan sa klase namin noong araw. Bakit ba? Hindi masaya ang klase kapag walang clown.

“Lagi akong nagaganyan ng mga kaklase ko kapag nakakatulog ako sa klase hahaha. Minsan, teacher pa ang promotor sa ganiyan eh, lalo na kapag sa subject niya ako napapahimbing. Napakasayang balikan! Tama nga ang sabi sa kanta ni Sharon Cuneta, iba talaga ang high school!”

Public Domain Image

Ikaw, naranasan mo na bang ma-good time ng buong klase?

Source :

Facebook

Loading…