Bus company pinagmulta ng P462,000 dahil sa bus nitong puno ng mga pasahero

Imahe mula sa tweet ni Mayor Rex Gatchalian
  • Metrolink bus company pinagmulta ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ng P462,000
  • Ito ay dahil sa isang bus ng kumpanya na hindi nagpapatupad ng physical distancing
  • Isang bus nito ang nakunan ng litrato na puno ng mga pasahero habang binabagtas ang kahabaan ng lungsod

Pinagmulta ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang isang bus company dahil sa isang bus nito na nakita sa lungsod na puno ng mga pasahero at hindi na sinunod ang physical distancing na mahigpit na ipinatutupad sa mga sasakyan dahil sa umiiral na pandemya.

Imahe mula sa tweet ni Mayor Rex Gatchalian

Ibinahagi ng alkalde sa social media ang ilang larawang kuha sa loob ng isang Metrolink bus na bumiyahe sa Dalandanan, Valenzuela noong Sabado, July 25. Sa larawan, makikitang magkakatabi sa mga upuan ang mga pasahero at hindi na inalintana ang banta ng COVID-19.

“Social Media has a funny way of making the world small…Valenzuelanos please share this till it gets to Metrolink bus people. I want to meet the owner, driver and conductor of the bus in my office Mon. I think ‘yung naka-yellow ang conductor if you know him, tell him,” tweet ng alkalde.

Binalaan niya ang bus company na kapag hindi sumipot ang bus driver sa kanyang tanggapan hanggang alas-dose ng tanghali ng Lunes ay sisiguruhin niyang hindi na makapapasok sa lungsod ang mga bus nito. At kung sakaling makapasok ay pahihintuin ang mga ito para ma-impound.

Screenshot ng tweet ni Mayor Rex Gatchalian

“Driver of this bus does not appear in my office Monday by 12 noon…I will personally make sure that all your buses: (A.) Are barred from entering the city (B.) If you do, we will stop you and impound your buses,” sabi ni Mayor Gatchalian sa isa pang tweet.

Sa panibagong post, sinabi ng alkalde na nakipagpulong na sa kaniya ang may-ari at ang management ng bus company. Pinatawan niya ito ng P462,000 na multa.

Nangako umano sa kanya ang bus company na parurusahan ang nagkamaling driver at konduktor. Magbabawas din umano ito ng mga upuan sa kanilang mga bus upang masunod ang physical distancing ng mga pasahero.

Screenshot ng tweet ni Mayor Rex Gatchalian
Source :

Twitter, Inquirer

Loading…