“Catherine, ano ba?” Fiancé ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada trending sa socmed

Imahe mula sa Twitter account ni Alex Gonzaga
  • Fiancé ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada nag-trending sa Twitter
  • Kinilig ang mga Twitter users sa naging reaksyon ni Mikee sa prank ni Alex
  • Gamit ang fake tongue, nagkunwari si Alex na natusok ng tinidor ang “dila” niya

Ano nga ba ang dahilan kung bakit nag-trending sa Twitter ang fiancé ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada?

Number 10 sa global Twitter trends ang pangalan ni Mikee at umabot sa number 14 ang mga katagang “Catherine, ano ba?” bente kwatro oras na ang nakalipas. Ito ay dahil sa ginawang prank ni Alex, na Catherine ang tunay na pangalan.

Imahe mula sa Twitter account ni Alex Gonzaga

Ang “Catherine, ano ba?” ang mga katagang nasambit ng ninerbiyos na si Mikee sa reaksyon niya sa “fake tongue” prank ng aktres-vlogger.

Isa lang si Mikee sa mga “biktima” ng prank ni Alex. Una niya itong sinubukan sa mga kasama niya sa bahay, kabilang na ang inang ni mommy Pinty.

Gamit ang pekeng dila, nagkukunwari si Alex na tumagos sa dila niya ang gamit na tinidor. Isa sa mga kasambahay nila ay napalundag pa sa takot at patakbong lumabas ng kusina, samantalang ang isa naman ay umiiyak habang tinutulungan siyang alisin sa “dila” ang tumusok na tinidor.

Wa epek naman sa isa pa nilang kasambahay ang nasabing prank dahil siya pala ang nakatanggap nang i-deliver ang fake tongue sa bahay ng mga Gonzaga.

Screenshot ng tweet ni Alex Gonzaga

Samantalang si Mikee ay biglang napatayo sa kinauupuan nang makita ang tinidor sa “dila” ni Alex. Mabilis niyang tinanggal ang tinidor bago sinabing “Catherine, ano ba?”  Buong pag-aalala pa itong nagtanong kung nasaktan ba ang nobya – “Saket?”

Dahil sa reaksyon niya ay maraming Twitter users ang kinilig at tila nainggit kay Alex sa pagkakaroon niya ng isang Mikee na tunay na nagmamahal.

Sabi ni Alex, pang-true love daw ang reaksyon ni Mikee.

Screenshot ng tweet ni Alex Gonzaga

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng mga Twitter users sa naging reaksyon ni Mikee sa prank:

“Mikee: Catherine, ano ba? But still ends up with… Mikee: *worried* Saket? How to be Alex Gonzaga?”

“Mikee’s Catherine, ano ba? kakilig to the bones”

“Minsan lang mag-react si Mikee sa mga vlogs ng ate Cath, pero the best ‘yung mga reaction e. kiligin na tayong lahat huhu”

As of posting, umabot na sa mahigit 5.2 million ang views sa tongue prank na ito ni Alex:

Source :

ABS-CBN, YouTube

Loading…