Catriona dumulog na sa NBI para hanapin ang taong nagpakalat ng kaniyang pekeng larawan

Imahe mula sa Facebook ni Catriona Gray
  • Dumulog na sa NBI si Catriona Gray para hanapin ang nagpakalat ng kaniyang ‘pekeng’ larawan
  • Tiniyak naman ng NBI na tutukuyin nila kung sino man ang nasa likod nito
  • Nauna nang sinabi ng kampo ng beauty queen na handa silang magsampa ng reklamo laban sa may pakana ng nasabing larawan

Humingi na ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) si 2018 Miss Universe Catriona Gray upang  hanapin ang nasa likod ng kumalat na pekeng larawan umano niya sa social media.

Dumulog sa tanggapan ng NBI ang beauty queen nitong Martes ng hapon kasama ang kaniyang abugado na si Christopher Liquigan; ito ang kinumpirma ni Deputy Director Vicente de Guzman III.

Imahe mula sa Facebook ni Catriona Gray

Tiniyak naman ni De Guzman kay Catriona na tutukuyin nila ang pagkakakilanlan ng kung sinuman ang nagpakalat ng nasabing larawan.

“The reason why the NBI is conducting an investigation is to determine the persons accountable for its posting in the social media,” ani De Guzman. “Kahit sino tamaan niyan icha-charge namin.”

Phishing yan! Cyber security expert nagbabala sa kumakalat na ‘video’ nina Catriona, Sam at Clint

Nauna nang sinabi ng kampo ni Catriona na peke ang kumakalat na larawan sa social media kung saan makikita umano na wala siyang damit pang-itaas.

Imaeh mula sa Facebook ni Atty. Alonso

“We want to inform the public that the photo is fake and digitally altered,” wika ni Atty. Joji Alonso sa kaniyang Facebook account.

Nakikipag-ugnayan na umano sila sa mga awtoridad para papanagutin kung sino man ang nasa likod ng pagpapakalat ng nabanggit na larawan. Handa rin daw silang magsampa ng demanda laban sa mga may kinalaman dito.

“We seriously denounce this vicious attempt to tarnish the image of Ms. Gray,” wika pa ng abugado.

Loading…