Catriona Gray at Sam Milby nagsama sa music video for a cause

Imahe mula sa YouTube | Catriona Gray
  • Nagsama sa isang music video sina Catriona Gray at ang boyfriend niyang si Sam Milby
  • Layunin nilang makalikom ng pondo para sa online education ng mga benepisyaryo ng NGO na Young Focus
  • Sa unang pagkakataon ay isinapubliko rin ni Catriona ang kanilang ugnayan nang tawagin niyang ‘love’ si Sam

Naglabas ng music video for a cause si Miss Universe 2018 Catriona Gray kasama ang boyfriend na si Sam Milby na kanilang ginawa upang masuportahan ang online education ng mga bata mula sa non-government organization na Young Focus.

Imahe mula sa YouTube | Catriona Gray

Ipinost ng beauty queen ang video ng kantang “We’re in this Together” sa YouTube. Si Catriona mismo ang kumanta habang si Sam ang nag-gitara at nag-produce nito.

Paliwanag niya, ang kikitain mula sa video ay mapupunta sa pag-aaral ng mga benepisyaryo ng organisasyon.

“All streams and digital download proceeds go towards the Young Focus Philippines’ ‘Quality Education for All’ campaign which aims to raise P1 million to kick start an online education program for the students of Young Focus amidst the challenges of the COVID-19 pandemic,” ani Catriona.

Nagpasalamat din siya sa mga tumulong na mabuo ang music video kabilang na ang kaniyang “love” na si Sam.

Imahe mula sa Instagram | Sam Milby

“Special thanks to my love Sam Milby, my Young Focus Philippines family, and my Cornerstone Entertainment family,” saad niya sa caption ng video.

Ito ay sa gitna ng sunud-sunod na pag-po-post ng cryptic Instagram stories ng ex-boyfriend niyang si Clint Bondad. Marami sa mga ito ay nagbanggit sa pangalan ni Sam. Sinabi niya ring “Don’t worry I am only… the Ex.”

Una na rito ay ipinost ni Clint ang screenshot ng mensahe na ipinadala niya kay Sam. “Want to become my client,” saad sa kaniyang mensahe. May caption itong “How about we have a little chat?”

Mayo nang kumpirmahin ni Sam ang relasyon nila na Catriona sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan nila sa Instagram. “Worth every second of the wait. Most special birthday yet,” aniya.

Panoorin dito ang video:

Loading…