Cavite Gov. Jonvic Remulla: “Sa panahong ito, mas nararapat na tayong mga namumuno ay makinig sa mga hinaing ng mga tao”

  • May apela si Cavite Governor Jonvic Remulla sa mga kapwa-mambabatas
  • Sa panahong ito, kailangan daw makinig ang mga namumuno sa hinaing ng kanilang mga nasasakupan
  • Nararapat umanong ibigay ang atensyon sa mga mas malalaki at malalang problema ng bansa gaya ng pandemya, kawalan ng trabaho, problema sa transportasyon, suporta sa edukasyon, at iba pa

Sa napakaraming nangyayari sa bansa sa kabila ng pandemya, hinimok ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang mga kapwa namumuno o lider ng bansa na ituon na lamang ang pansin sa mas malalaking isyu, usapin o problema ng bansa at makinig sa mga mamamayan pagdating sa pagbibigay nila ng mga hinaing.

Ipinahayag ni Remulla ang kaniyang mensahe sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Hulyo 18, 2020 kung saan hinalaw niya sa post din niya noong Hunyo 7, 2020.

Imahe mula sa Facebook account ni Jonvic Remulla

“A re-publish of my post last June 7 (dahil very HOT ngayon ang topic na ito sa social media): Is trash talking enough to threaten and subject netizens to an inquest? Social media is full of this. How can one discern words with ill-intent from that of a joke? Dissent and varying opinions are the very fabric of our political culture. We are a better nation because we are able to freely express ourselves, responsibly,” ayon sa post ng gobernador ng Cavite.

Giit niya, mas nanaisin pa niyang resolbahin ang problema hinggil sa COVID-19, suportahan ang edukasyon, bigyan ng trabaho ang mga Caviten?o na nawalan ng mapagkakakitaan dahil sa community quarantines, transportasyon at iba pa.

“I am man enough not to be overly sensitive nor be easily offended. I would rather focus on bigger problems such as effectively managing the COVID crisis, supporting education, Caviten?os who have lost their jobs, transportation and unite the people by working on effective solutions towards recovery,” aniya.

Pagbibigay-diin niya, “Sa panahong ito, mas nararapat na tayong mga namumuno ay makinig at unawain ang hinaing ng mga tao. Huwag nating gamitin ang kamay na bakal para pwersahin ang kapangyarihan laban sa ating mga pinamumunuan.”

Public Domain Image

Umani naman ito ng reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Governor, that’s the difference of a leader in position and a follower who had no idea why he was in position the first place,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Dapat ilagay sa lugar ang paggamit ng kamay na bakal. Pero sa panahon ngayon, sa tigas ng ulo ng mga tao, I think kailangan ng kamay na bakal. Dahil kung lalambot-lambot ka, aabusuhin at kakayanin ka nila.”

Si Juanito Victor Catibayan Remulla, Jr. o kilala bilang Jonvic Remulla, ay anak ng dating Cavite Governor na si Juanito Remulla, at kapatid nina dating Congressman Gilbert Remulla, na naglingkod naman bilang television reporter ng ABS-CBN at si Congressman Jesus Crispin Remulla na isa sa mga “nanggisa” sa kontrobersiyal na ABS-CBN franchise renewal na ibinasura naman ng Kamara.

Loading…