CEO nagbigay ng murang car plan upang ‘di mahirapan sa commute ang empleyado

Imahe mula sa Facebook | Ricca Del Rosario
  • Isang online store supervisor ang tinulungan ng kanilang CEO na magkaroon ng sariling sasakyan
  • Ibinili siya ng kaniyang boss ng sasakyan na babayaran niya ng P2,500 kada cutoff sa loob ng limang taon
  • Kabilang si Rhea Ylanan sa mga unang staff ni Ricca del Rosario noong nagsisimula pa lamang ang kaniyang negosyo 

Upang hindi mahirapan sa commute ngayong limitado pa lamang ang pampublikong transportasyon ay naisipan ng CEO ng isang online shop na tulungang magkaroon ng sariling sasakyan ang kaniyang empleyado.

Imahe mula sa Facebook | Ricca Del Rosario

Kuwento ni Half the Price (HTP) Clothing CEO Ricca Del Rosario, isa si Rhea Ylanan sa mga nakasama niya sa pagsisimula ng kaniyang negosyo. Bukod sa ilang taong pagtatrabaho roon ay masigasig at maaasahan din si Rhea.

“She started working for HTP in 2016 and since then, never ‘yang na-late! Always the first one to arrive sa hub every single day,” kuwento ni Ricca sa isang Instagram post. “From being a retail hotline staff, naging supervisor na siya… Sa aming company structure, she is next to me as I entrust to her HTP lalo na kapag wala ako.”

Nang isailalim sa community quarantine ang bansa dahil sa COVID-19 ay patuloy ang pagsisikap ni Rhea kahit pa work from home siya kaya naman naisipan ni Ricca na tulungan siyang makabili ng kotse.

Ani Rhea sa isang panayam sa Pep, may motor ang asawa ni Rhea ngunit bawal pa ang angkas noon.

Imahe mula sa Facebook | Ricca Del Rosario

“Ang naisip ko, ibili siya ng kotse. Super deserving naman talaga kasi during the pandemic, kahit naka-work from home siya, kami talaga iyong laging magkausap,” kuwento ni Ricca sa isang panayam sa Pep.

Nang magdiwang ng kaniyang kaarawan si Rhea noong Hunyo ay ibinahagi ni Ricca ang kaniyang regalong car plan para rito. Babayaran daw ni Rhea ng P2,500 kada cutoff sa loob ng limang taon ang sasakyan. 

“It’s just P2,500 per payday in five years. Wala siyang kahit anong interest. Kumbaga, binigyan ko lang siya ng car tapos babayaran sa madaling paraan lang,” sabi pa ni Ricca sa Pep.  “Tuwang-tuwa naman siya. Hindi siya nag-think twice kasi sabi niya, hindi niya maisip na magkaka-kotse siya. Kaya ginrab na niya iyong opportunity.”

“Bilib ako sa’yo. Sobrang desidido mo. In three days natuto kang mag-drive. Back to work ka na, wala kang choice. Hindi mo na puwedeng sabihin na wala kang masakyan,” biro ng CEO.

Loading…