Childhood memories: Ano nga ba ang ibig sabihin ng “Hiraya Manawari?”

  • Nabigyang-pakahulugan ang ibig sabihin ng “Hiraya Manawari” sa isang Facebook page
  • Nangangahulugan itong “Sana Mangyari/Matupad”
  • Naging pamagat ito ng pambatang palabas na kapupulutan ng aral sa ABS-CBN noong 90’s

Isa sa mga palabas na naging bahagi ng pagkabata at paglaki ng mga batang 90’s ang “Hiraya Manawari” ng ABS-CBN Kapamilya Network na may salin sa wikang Ingles na “Reach your Dreams” sa pakikipagtulungan ng Department of Education noong 1995 hanggang 2003.

Bago magsara ang Kapamilya Network dahil sa pagbasura ng Kongreso sa franchise renewal nito upang makapag-broadcast, muli itong naipalabas sa telebisyon bilang bahagi ng “re-run” sa ilang mga palabas kaugnay ng pagpapatigil ng taping dulot ng enhanced community quarantine.

Public Domain Image

Inirerekomenda ng DepEd ang panonood ng Hiraya Manawari lalo pa’t ito ay may “Anak TV Seal.”  May layunin kasi itong magturo ng kagandahang-asal sa pamamagitan ng iba’t ibang likhang-isip na kuwento.  Karamihan sa mga episodes nito ay tumatalakay sa kahalagahan ng pamilya, pagkakaisa, pagmamahal, disiplina, at marami pang iba.

Subalit naitanong mo na ba ang ibig sabihin ng Hiraya Manawari? Batay sa mga dalubwika, ang Hiraya Manawari ay isang makalumang pariralang Tagalog na nangangahulugang “sana matupad o mangyari”. Ang “Hiraya”ay malalim na salita para sa “sana” habang ang “Manawari” naman ay “mangyari o matupad.”

Sa isang Facebook page, iniugnay ito sa bagong paraan ng pagtuturo kaugnay ng pandemya.

“As education shifts to online means of learning during this pandemic, children from the marginalized sector do not have access to the required materials for online learning. As a result, some are forced to delay their education due to lack of resources and in turn, also delay their dreams for a better future–but we can help,” ayon dito.

Panghuli, “Hiraya Manawari–sana matupad natin ang mga pangarap nila. We are Hiraya and we believe that nobody should be left behind.”

Ilan pa sa mga pambatang palabas na talaga namang naging bahagi ng pagkabata ang Sineskuwela, Math-Tinik, Bayani, Epol Apple, Pahina, at Wansapanataym.

Public Domain Image

Sana nga ay matupad natin ang mga pangarap natin sa kabila ng pandemya. Sama-sama tayong umasang matatapos din ito!

Samantala, panoorin ang theme song ng Hiraya Manawari via YouTube channel:

Loading…