Citywide lockdown sa Navotas ipatutupad dahil sa katigasan ng ulo ng mga residente – Mayor Toby Tiangco

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Toby Tiangco
  • Navotas City isasailalim sa 14-day lockdown dahil sa katigasan ng ulo ng mga residente
  • Kinumpirma ni Mayor Toby Tiangco ang ipatutupad na citywide lockdown na posibleng magsimula sa July 15
  • Umabot na sa 930 ang COVID-19 cases sa Navotas City as of July 12, 2020
  • Dahil puno na ang isolation facility ng lungsod, ang ibang pasyente ay dinala na sa We Heal As one Centers sa World Trade Center at sa Philippine Arena

Kinumpirma ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na magpapatupad ang lungsod ng 14 days citywide lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sanhi na rin ng katigasan ng ulo ng mga residente.

Screenshot mula sa video ni Mayor Toby Tiangco

“Kailangan namin gawin ‘to. Wala kaming choice kasi ang tigas ng ulo ng tao eh,” aniya.

Ang kumpirmasyong ginawa ng alkalde ay kasunod ng pagkalat sa social media ng kopya ng draft executive order tungkol sa napipintong lockdown.

“Hindi naman totally fake ‘yan. Hindi siya valid in the sense na hindi ko pa napipirmahan. Pero talagang magla-lockdown po kami for 14 days,” ani Mayor Tiangco.

Nilinaw niya na hindi naman maaapektuhan ang mga negosyo sa Navotas City. Maaari pa rin silang mag-operate at ang mga workers ay papayagan pa ring makapasok sa trabaho.

“Buong Navotas po, but ‘yung lockdown is for residents. Businesses will be allowed to operate, ‘yung mga may trabaho papayagang pumasok. Ang iistriktuhan lang po namin, ang ‘di namin papayagan ay leisure activities, exercises, ganyan,” paglilinaw ng alkalde.

Screenshot mula sa video ni Mayor Toby Tiangco

Posibleng ipatupad ang 14-day lockdown simula July 15. Hinihintay lang umano ang pagdating ng mga police augmentation force na hiniling niya mula sa Department of Interior and Local Government.

“Kapag iyan ay dumating, magbibigay kami ng one day notice. Then the next day, i-implement na ang lockdown,” pahayag ni mayor sa isang panayam.

Umabot na sa 931 ang total confirmed COVID-cases sa Navotas City noong ika-12 ng Hulyo matapos madagdagan ng 31 new cases. At dahil puno na ang isolation facility ng lungsod, ang ibang pasyente ay dinala na sa We Heal As one Centers sa World Trade Center at sa Philippine Arena.

Pag-iingat at pagsunod sa mga health protocols ang panawagan ni Mayor Toby Tiangco sa lahat ng kanyang nasasakupan upang hindi mahawahan ng COVID-19.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Toby Tiangco

Loading…