CNN PH mawawala muna sa ere matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang staff

Imahe mula sa CNN PH
  • Titigil muna sa pag-ere ang CNN Philippines ngayong Martes ng gabi
  • Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa nilang empleyado
  • Tiniyak naman ng network na patuloy silang maghahatid ng balita at impormasyon

Pansamantalang hihinto sa pag-ere ang CNN Philippines matapos umanong magpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga empleyado nito.

Ayon sa anunsiyo ng network na ibinahagi sa Twitter, simula ngayong gabi ng Martes ay hindi na muna mapapanood ang kanilang mga programa sa telebisyon para bigyang daan ang pagdi-disinfect ng kanilang opisina.

Imahe mula sa CNN PH Facebook

“As a precaution and for everybody’s safety, we are temporarily going off the air starting tonight to disinfect the CNN Philippines office on Shaw Boulevard in Mandaluyong,” anang network sa pahayag nito.

Karamihan umano sa kanilang mga empleyado ay ‘work-from-home’ sa ngayon, subalit ang mga nag-report sa kanilang opisina nitong Martes ay inilikas na para ma-isolate.

Nangako rin ang CNN Philippines na patuloy silang maghahatid ng mga balita at impormasyon sa pamamagitan ng kanilang social media platform tulad ng Facebook, Twitter at Instagram.

Imahe mula sa CNN PH Twitter

“We will continue to deliver news and information you can trust, news and information that are accurate, fair and balanced,” dagdag pa ng pahayag.

Nakahanda naman umano sila sa mga ganitong emergency kaya ginawa nila ang nararapat na hakbang.

Nagpapasalamat din ang network sa patuloy na tumatangkilik at sumusuporta sa kanilang serbisyo.

Loading…