Concerned citizen nabahala sa kapal ng mga taong nagdya-jogging sa Montalban tuwing umaga

Imahe mula sa concerned citizen na si Rhona Cañete
  • Nabahala ang isang residente sa Montalban, Rizal sa kapal ng mga taong nagdya-jogging sa lugar nila tuwing umaga
  • Wala nang social distancing at karamihan sa mga joggers ay hindi nakasuot ng face mask
  • Bawal pang lumabas ang mga kabataang edad 21 pababa, subalit marami sa mga joggers ang teenager

Ikinabahala ng isang concerned citizen ang eksenang nakikita sa kanilang lugar tuwing umaga – ang makapal na bilang ng mga kabataang nagdya-jogging doon.

Imahe mula sa concerned citizen na si Rhona Cañete

Ipinost ni Rhona Cañete sa Facebook noong Biyernes, July 3, ang ilang larawan ng tanawing makikita sa loob ng kanilang subdivision sa Barangay San Jose sa Montalban, Rizal tuwing umaga. Aniya, hindi makatutulong sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19 ang ginawang pag-eehersisyo ng mga kabataan.

“This is Our Situation Every Morning in Manila Hills,” post niya kalakip ang mga larawan ng mga nag-eehersisyo sa kanilang lugar na karamihan daw ay mula sa ibang lugar.

Makikita sa mga litrato na nagkukumpulan ang mga joggers at karamihan sa kanila ay walang suot na face mask.

Sa ipinaiiral na patakaran ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, hindi pinapayagang lumabas ng bahay ang mga kabataang ang edad ay 21 pababa, maliban na lang kung talagang kinakailangan.

Batay sa kuhang litrato ng concerned citizen, mapagtatanto na marami sa mga nagdya-jogging ay mga teenager.

Imahe mula sa concerned citizen na si Rhona Cañete

Ani Cañete, dapat maging responsable naman ang mga magulang ng mga nasabing mga kabataan na ituro sa kanilang mga anak kung ano ang pandemic na nananalasa hind lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Sabi pa niya, hindi pa tapos ang pakikibaka natin kontra sa virus. Masyado raw nagiging kampante ang mga tao.

Nanawagan siya sa mga kinauukulan na sana ay aksuyan ang nasabing bagay.

Imahe mula sa concerned citizen na si Rhona Cañete
Source :

Facebook

Loading…