Construction firms babawasan ang paggamit ng makinarya upang maraming workers ang mabigyan ng trabaho

Imahe mula sa PNA
  • Tinatayang magkakaroon ng 400,000 job vacancies sa construction industry
  • Nangako ang construction industry leaders na babawasan ang paggamit ng mga makinarya ngayong may pandemya upang mas maraming workers ang mabigyan ng trabaho
  • Bukod sa construction company, marami ring job vacancies sa BPO industry

Inaasahang muling mabubuhay ang construction industry dahil sa full implementation ng Build, Build, Build Program ng administrasyon.

Imahe mula sa PNA

Sinabi ni Sec. Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tinatayang magkakaroon ng 400,000 working opportunities sa naturang industriya dahil sa muling pag-usad ng infrastructure program ng pamahalaan.

Aniya, nakipagpulong siya sa mga lider ng construction industry sa bansa at nangako ito sa kanya na babawasan nila ang paggamit ng mga makina sa kanilang operasyon ngayong panahon ng pandemya upang mas maraming workers ang mabigyan ng trabaho.

“This will revive the construction industry and we hope to generate not less than 400,000 working opportunities. Kausap namin dito ‘yung mga leaders ng construction industry,” anang kalihim sa isang press conference.

“They committed to us, not only they will hire construction workers, they will see to it ma-maximize ‘yung availability of work by manualizing ‘yung work rather than mechanizing the work. So, instead of buying a backhoe, for example, they will hire additional workers instead,” dagdag pa ni Sec. Bello.

Imahe mula sa Business Mirror

Ayon pa sa kalihim, nakikipag-ugnayan siya sa Department of Public Works and Highways, sa Department of Transportation at sa Department of Trade and Industry na mag-hire ng mga manggagawa na  nawalan ng trabaho dahil sa pandemya para sa construction industry.

Bukod sa construction industry, sinabi ni Sec. Bello na ang business process outsourcing industry ang isa pang “employment generator” ngayong panahon ng COVID-19 crisis. Tinatayang may 6,000 job vacancies ngayon sa naturang industriya.

Screenshot mula sa PCOO video

Loading…