Contact tracers dapat may “investigative mindset” – Baguio Mayor Benjamin Magalong

Imahe mula sa Baguio City LGU
  • Sinabi ni Baguio City Mayor Magalong na ang mga contact tracers ay dapat may investigative mindset
  • Ang komposisyon ng contact tracing team ay PNP investigators at health workers
  • Ang tagumpay ng contact tracing ay nakadepende sa kalidad ng impormasyon na makakalap at kailangan dito ang cognitive interviewing skills ng contact tracers

Kinakailangang may investigative mindset ang isang contact tracer upang maging epektibo ang ginagawang contact tracing upang mahanap ang mga taong nakasalamuha ng isang COVID-19 patient, pahayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Imahe mula sa Baguio City LGU

Ang tagumpay ng contact tracing ay nakadepende sa kalidad ng impormasyon na makakalap at kailangan dito ang cognitive interviewing skills ng contact tracers.

Ang dapat umanong komposisyon ng mga contact tracers ay kinabibilangan ng police investigators at health workers, anang alkalde na dati ring nagsilbing opisyal ng Philippine National Police.

“Ang isa sa mga qualifications po natin and we’re talking of the interviewers, this will be composed of PNP investigators, health workers. Unang-una, partnership po ito, kailangan natin ng doctors, kailangan natin ng nurses, kailangan din po natin ng mga retired investigators o law enforcement investigators,” aniya.

Kung sakaling kulangin ang contact tracers na makukuha sa hanay ng mga imbestigador, sinabi ni Mayor Magalong na “Probably kung talagang kulang na kulang tayo, kailangan ho nating kumuha ng mga dating mga criminologists, puwede rin ho nating kunin ‘yung mga retired na intelligence personnel at pinakaimportante po dito na qualifications is mayroon kahit papaano pong tinatawag na investigative mindset. Anyway, kaya naman nating i-train ‘yan.”

Imahe mula kay Mayor Benjamin Magalong

Bukod sa mga imbestigador bilang contact tracers, mapapalakas din ang contact tracing sa bansa sa pamamagitan ng mga IT graduates na may kaalaman sa technical support dahil importante umano ang paggamit ng teknolohiya para sa data collection at analysis.

Si Mayor Magalong ay itinalaga ng National Task Force Against COVID-19 bilang Contact Tracing Czar.

Source :

GMA Network, PIA

Loading…