COVID-19 cases sa bansa posibleng umabot sa higit 100,000 sa Agosto – UP expert

Imahe mula sa Pixabay
  • UP expert, nagtantiya na aabot sa 65,000 ang COVID-19 cases sa bansa sa end of July
  • Kung hindi magbabago ang trend ay posibleng umabot sa mahigit 100,000 ang kaso nito sa end of August
  • Sinabi ng UP expert na dapat baguhin ng pamahalaan ang ginagawang pagtugon sa pandemya

Posibleng magkaroon ng mahigit 100,000 COVID-19 cases sa bansa pagdating ng katapusan ng buwan ng Agosto, ayon sa isang professor sa University of the Philippines (UP) kaya’t hinihikayat niya ang gobyerno na gumawa ng pagbabago sa mga pamamaraan nito sa pagtugon sa pandemya.

Imahe mula sa Pixabay

Ayon kay Dr. Guido David, miyembro ng UP OCTA research Group at isang professor sa UP Institute of Mathematics, pataas pa rin ang direksyong tinatahak ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 kaya sinabi niya na sa end of July ay posibleng umabot  ito sa hindi bababa sa 65,000.

At kung magpapatuloy ang ganitong direksyon ay malaki ang posibilidad na hihigit ito sa 100,000 cases sa katapusan ng buwan ng Agosto.

Aniya, nagsimula ang pagbilis ng pagdami ng mga bagong COVID-19 cases noong ipatupad ang maluwag na general community quarantine sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa. Patuloy umano itong dadami kung hindi babaguhin ng pamahalaan ang pamamaraan nito sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

“Sa nakita ko, iyong trend niya mas mataas pa, hihigit pa sa 100,000 kung hindi natin baguhin iyong ating sistema, ating pag-handle ng pandemya,” ani Dr. David.

Imahe mula sa Pixabay

Dapat daw na pag-isipang muli ng gobyerno ang mga solusyong ginagamit ng gobyerno sa health emergency. Dapat raw na higpitan ang mga border ng mga lugar upang hindi kumalat ang virus. Importante rin umano na agad ilagay sa isolation ang mga mapatutunayang positibo sa COVID-19.

Ang isa pang problemang nakkikita ni Dr. David na dapat masolusyunan ay kung paano maihahatid nang ligtas, sa pamamagitan ng transportasyon, ang mga manggagawa patungo sa kanilang trabaho. Nabanggit niya ang kaso ng maraming empleyado ng MRT na COVID-19 positive na nag-resulta sa pansamantalang pagpapatigil ng mga biyahe nito.

As of 4 p.m. ng July 7, nakapagtala na ang Department of Health ng 47,873 total number of cases ng COVID-19 sa bansa. Ang 12,386 sa total number cases ang naka-recover at 1,309 ang hindi nakaligtas kaya ang kabuuang active COVID-cases sa buong bansa ay 34,178.

Imahe mula sa DOH
Source :

ABS-CBN, YouTube

Loading…