
- Mga COVID-19 patients na tatanggihan sa mga o
spital tutulungan umano ni Mayor Isko Moreno - Ilang pribadong pagamutan ang nagsabi na hindi na sila tatanggap ng mga COVID-19 patients dahil kulang na sa higaan
- Ipinaliwanag ni Sec. Carlito Galvez na hindi na dapat tumatanggap ng asymptomatic o mild cases ng COVID-19 ang mga o
spital
Bibigyan ni Manila City Mayor Isko Moreno agarang tulong ang mga COVID-19 patients na hindi na kayang tanggapin sa mga ospital na puno ng mga pasyenteng may coronavirus.

“Modesty aside, whether they are coming from private hospitals that cannot accommodate anymore, we would be happy to be of service… most likely with our sister hospitals,” sabi ni Mayor Isko sa isang press conference na dinaluhan ni National Task Force (NTF) against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. na ginawa sa Manila City Hall.
Ang press conference ay para sa turn over ng 10,000 personal protective equipment na donasyon ng NFT para sa Lungsod ng Maynila.
Ang pahayag ni Mayor Isko ay kasunod ng mga naunang pahayag ng ilang pribadong pagamutan na hindi na sila tatanggap ng mga COVID-19 patients sa dahilang wala nang bakanteng higaan para sa mga ito sanhi ng pagdami ng bilang ng mga COVID-19 cases.
Nagpahayag na rin ang Philippine General Hospital na halos puno na ang intensive care unit nito at ang mga natitirang higaan ay inilalaan para sa mga pasyente nilang posibleng lumala ang kondisyon.

Inamin ng tagapagsalita ng PGH na sa katunayan ay sobra na ang COVID-19 patients nila kumpara sa 130 allocated beds para sa COVID-19 cases.
“Kami po ay halos puno na rin. Actually kung ang pagbabasehan ay ang allocated beds namin…na 130, eh lagpas na po kami doon,” sabi ni PGH spokesman Dr. Jonas Del Rosario.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Sec. Carlito Galvez na hindi na talaga dapat tumanggap ang mga ospital ng asymptomatic at mild cases ng COVID-19. Ang mga pasyenteng ganito ay dapat daw dinadala sa mga mega quarantine facilities na ipinatayo ng pamahalaan.
