COVID-19 vaccine experiment ng Thailand sa mga unggoy tagumpay, human trials isusunod na

Screenshot mula sa Free Malaysia Today video
  • Tagumpay ang COVID-19 vaccine experiments na ginawa sa mga unggoy sa Thailand
  • Matapos bigyan ng dalawang doses ng candidate vaccine, nagkaroon ng high levels of antibody laban sa COVID-19 ang mga unggoy
  • Posibleng sa September ay iaanunsyo na ang paghahanap ng mga volunteers sa human trials na gagawin

Isiniwalat ng research team mula sa National Primate Research Center of Chulalongkorn University sa Thailand na gumagawa ng COVID-19 vaccine na tagumpay ang ginawang eksperimento sa mga unggoy at ang human trials ay posibleng masimulan na rin.

Screenshot mula sa Free Malaysia Today video

Hinihintay na lang ng research team ang FDA approval bago isagawa ang human trials para sa ginagawang bakuna kontra sa novel coronavirus, ayon  sa pahayag nina Prof. Suttipong Wacharasindhu, ang director ng  Chulalongkorn Hospital, at Prof. Kiat Ruxrungtham, director ng Chulalongkorn vaccine research center sa isan gpress conference na isinagaw noong Linggo, ika-12 ng Hulyo.

Unang tinurukan ng candidate COVID-19 vaccine ang mga macaque monkeys noong May 23, 2020. Lahat umano ng mga unggoy ay nanatiling maayos ang kundisyon ay nagkaroon ang mga ito ng “satisfactory immune responses sa virus, ayon kay Higher Education, Science, Research and Innovations Minister Suvit Maesincee.

At noong nakaraang buwan ay binigyan ng ikalawang dose ng vaccine ang mga unggoy. Nagkaroon ang mga ito ng high levels of COVID-19 antibodies.

Ayon kay Chutitorn Ketloy, isang research team member, ang mga macaque monkeys na naturukan ng bakuna noong May at June ay nagkaroon ng immunity sa COVID-19…ang antibody levels ng mga ito ay umabot sa 5,120 pagkatapos ng second dose.

Screenshot mula sa Free Malaysia Today video

Ang mga laboratory mice na tinurukan ng candidate vaccine ay nagkaroon ng antibody levels ng hanggang 40,960. Lumalabas na epekto ng dini-develop na bakuna ay lumiliit habang lumalaki ang size ng test subject.

“This is a significant result, as we now understand that the antibody response will drop by 5-10 times when the vaccine is administered on humans. But even with such a decrease, immunity to the disease can be achieved as long as the antibody response measures above 1,000, which is the level we hope to see in the human trial,” ayon sa isang research team member.

Ayon sa research team, posibleng sa September nila inaanunsyo ang paghahanap ng mga volunteers para sa human trials na gagawin sa tatlong bahagi. Ang unang bahagi ng trial ay inaasahang magagawa bago matapos ang taong 2020.

At kung magiging matagumpay ang tatlong human trials ay magiging available na ang COVID-19 vaccine para sa mga sa third quarter ng susunod na taon.

Screenshot mula sa Free Malaysia Today video

Loading…