Customer nag-iwan ng halos P50,000 tip: “Thank you for working through this tough time”

Imahe mula sa Facebook ni Arnold Teixeira
  • Isang customer sa resto sa New Jersey ang nag-iwan ng $1,000 na tip para sa mga empleyado
  • Bilang pasasalamat umano ito sa pagsisilbi sa kanila sa gitna ng pandemiya
  • Halos maiyak ang mga staff sa tuwa lalo na nang mabasa ang iniwang note ng customer

Halos naluha sa sobrang pasasalamat ang mga staff ng isang restaurant sa New Jersey matapos mag-iwan ang isang customer ng $1,000 (halos P50,000) na tip para kanilang paghati-hatian.

Ang tip umano ay bilang pasasalamat ng customer sa mga empleyado na patuloy na nagsisilbi sa kanila sa kabila ng kasalukuyang pandemiya.

Imahe mula sa Facebook ni Arnold Teixeira

Kuwento ng may-ari ng The Starving Artist restaurant sa Ocean Grove na si Arnold Teixeira sa CNN, matagal na nilang suki ang customer; simula pa noong 2001. Tumanggi naman siyang ibigay ang pangalan ng mabait na customer.

Kumain daw ang customer kasama ang kaniyang pamilya noong isang araw at umalis ang mga ito pagkatapos nang walang sinasabi tungkol sa tip.

Laking gulat umano ng isang staff nang makita ang iniwang pera na mayroon pang kasamang note.

“When the waiter serving them saw the tip, she just started crying. Then another one of my staff members saw it and started crying, too,” bahagi ni Teixeira.

Imahe mula sa Facebook ni Arnold Teixeira

Maging siya rin daw ay nangilid ang luha nang mabasa ang iniwang note ng customer.

“Thank you so much for working through this tough time,” ayon sa note.

“We are grateful for your delicious food, warm smiles, and great atmosphere. Please know we appreciate you all very much. It wouldn’t be a good summer without the Starving Artist,” ayon pa dito.

Ang halaga ng kinain ng pamilya ay $43.18 lamang subalit ang kabuuang iniwang pera ng customer ay $1,043.18 at ang $1,000 ay nakalaan para sa tip. Nakasulat  din doon na paghati-hatian ng lahat ng empleyado ang naturang halaga.

Imahe mula sa CNN

Inamin ni Teixeira na mahirap ang buhay ngayon dahil mahina ang kanilang negosyo at naghahanda na siya sa posibilidad na maaaring magsara ang kaniyang restaurant.

“But this tip restored our hope in humanity. It made us feel so good about what we’re doing,” patuloy ng may-ari.

Napagtanto rin umano niya na lahat ng kanilang ginagawa para protektahan at pagsilbihan ang kanilang mga customer ay mayroon palang saysay din na napapansin ng ilang tao.

Loading…