Cute na rant ng isang batang babae kaugnay sa mabagal na internet, patok sa netizens

Screenshot mula sa Facebook video ng CDN Digital
  • ‘Nag-rant’ sa Facebook ang isang 5 anyos na bata dahil sa mabagal na internet connection
  • Nagrereklamo ang bata dahil hindi siya makapag-aral nang maayos
  • Pumatok naman sa netizens ang cute na rant ng batang taga-Cebu City

Sino nga ba ang hindi umiinit ang ulo at umuusok ang ilong dahil sa napakabagal na internet connection sa Pilipinas?

Lahat yata ng mga netizen na aktibo online at sa social media, at kahit si Pangulong Rodrigo Duterte mismo, ay may hindi magandang karanasan tungkol sa mabagal na serbisyo ng mga internet providers sa bansa.

Lalo pa siguro ngayon na unti-unti nang nagsisimula ang online classes ng mga estudyante at sabay-sabay gumagamit ng internet para makapag-aral, makagawa ng modules at maipasa ito.

Screenshot mula sa Facebook video ng CDN Digital

Tulad na lamang ng isang 5-anyos na si Zane Akila mula sa Barangay Tisa lungsod ng Cebu na idinaan sa ‘rant’ ang kaniyang pagkadismaya sa mabagal na internet connection sa kanilang lugar.

Kuwento ng nanay ni Zane na si Angelie Gutierrez, nagpasya siyang ibahagi sa Facebook ang cute na rant ng kaniyang sa pag-asang matawag ang pansin ng mga telcos sa bansa.

“Iyang summer online class schedule is at 10 AM Mondays-Fridays and 2 weeks na siya wala maka apil because of the internet connection. During those hours hence late na siya maka submit sa iya worksheets and maka study mi afternoon na,” ani Angelie sa panayam ng CDN Digital.

Dahil dito umano, naapektuhan ang nakatakdang schedule sana ng bata para sa pag-aaral.

Screnshot mula sa Facebook video ng CDN Digital

At dahil hindi na makatiis, nagtanong na umano sa kaniya si Zane kung bakit napakabagal ng kanilang internet.

Imbes daw na tumaas lang ang blood pressure niya, nagpasya ang nanay na kunan ng video ang rant ni Zane at iupload sa Facebook.

Kaagad namang pumatok sa mga netizen ang cute na rant at kabibohan ng bata habang karamihan ay nakikisimpatiya sa kaniyang nararanasan.

Panoorin ang kuwelang rant ni Zane:

Loading…