Cynthia Villar memes, kalat ngayon sa social media

Images via Twitter
  • Photoshopped photos kung saan makikita si Sen. Cynthia Villar sa iba’t-ibang pangyayari, kalat sa social media
  • Sa isang larawan, makikita ang presensya ni Villar sa dolphin encounter ni Presidential Spokesperson Harry Roque
  • Nag-ugat umano ito sa press release na nilakipan ng kampo ng Senadora ng edited picture para magmukhang naroon siya sa turn-over ng mga medical equipment sa Las Pinas

Nagkalat ngayon sa social media ang mga photoshopped photos kung saan makikita si Sen. Cynthia Villar na kasali sa mga mahahalagang bahagi ng kasaysayan, mga sikat na palabas at performance sa mundo ng entertainment, at maging sa dolphin encounter ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Image via Twitter

Batay sa mga ulat, nagsimula umano ito makaraang mag-post ang kampo ng Senadora ng press release ukol sa turn-over ng mga medical equipment na kanyang idinonate sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center (LPGH & STC) para sa COVID-19 laboratory nito.

Kaya lamang, hindi umano totoong naroon ang senadora sa okasyon at ang mga larawang inilakip sa press release ay edited lamang para magmukhang naroon  ito sa turn-over.

Dahil dito, umikot ang malilikot na imahinasyon ng mga Pinoy netizens at nagsimula ring mag-edit ng mga larawan at ipinasok ang larawan ni Villar.

Kabilang sa mga outputs ng netizens ang pagsali umano ng Senadora sa makasaysayang pagdating ni Hen. Douglas McArthur sa Pilipinas at naroon din siya sa makasaysayang ballroom photo ng Overlook Hotel noong 1921.

May larawan din si Villar kasama sina Pang. Rodrigo Duterte at Roque sa selebrasyon makaraang matalo ang UP prediction, at rally para ibasura ang Anti-Terror bill.

Images via Twitter

Makikita rin ito na kasali sa video ng KPOP na Black Pink, nasa isang bar, bahagi ng StarStruck, eksena sa Kadenang Ginto, at nagtuturo ng social distancing protocol sa bilyaran.

Mayroon ding ‘larawan’ ang senadora sa tabi ng mga pinutol na pine trees sa Baguio City.

Panoorin ang bidyo na ito mula sa PolitikoTV Channel sa YouTube:

Loading…