Dahil walang pambili ng gadgets, ilang batang Aeta hindi muna nag-enrol

Image by GMA News via YouTube
  • Hindi muna nag-enrol ang ilang batang Aeta sa Aurora
  • Wala umano silang sapat na pera para makabili ng gadgets
  • Ipinanukala ni Cong. Joey Salceda ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19

Hindi muna ipagpapatuloy ng ilang batang Aeta sa Casiguran, Aurora ang pag-aaral dahil wala silang pambili ng gadgets.

Kinakailangan kasi ng gadgets at internet connection sa ipinapanukalang blended learning ng pamahalaan para hindi mahawaan ang mga estudyante ngayong may COVID-19 pandemic.

Image by GMA News

Nasabi ni Larry Valencia, chieftain ng IPMR, sa Unang Balita na hindi sapat ang kinikita ng mga magulang ng mga batang Aeta kaya’t nanawagan siya na sana’y matulungan sila.

Wika ni Valencia, “Kung hindi face-to-face ang gagamitin ngayong pasukan ay mahihirapan po talaga yung mga bata kasi wala pong maibili ng mga gamit.”

Face-to-face classes sa mga lugar na walang COVID case, ipinanukala ni Salceda

Nauna nang naibahagi ng DF Balita na sinabi ni Cong. Joey Salceda na sana’y pag-aralan ng pamahalaan ang posibilidad ng face-to-face classes o traditional learning sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19.

Saad nito, mapag-iiwanan ang mga estudyanteng kabilang sa mga mahihirap na pamilya sakaling tuluyan na itong maipatupad.

Binigyang halimbawa niya na sa Bicol region ay pitong bahagdan lamang ang tahanan na may access sa internet.

Imahe mula sa Congress

Kung ititigil naman, aniya, magdudulot ito P94 hanggang P136-billion economic cost sa bansa ang isang taong pagpapaliban ng estudyante sa kanyang pag-aaral.

Mga guro binabagtas ang 9-kilometrong daan, ilog para sa internet signal at makasama sa webinar

Ang mga guro naman sa Maducayan Elementary School sa Mountain Province ay naglalakbay ng siyam na kilometro at bumabagtas ng ilog para lamang makakuha ng signal at makasali sa webinar ng blended learning.

Ipinag-aalala rin ng mga guro na marami sa kanilang estudyante ang walang gadgets at mahina ang signal sa kanilang lugar.

Image by Julita Gumatay

Loading…