Dapat solusyon, hindi konsumisyon: Disenyo ng motorcycle barrier dapat pag-aralang mabuti – Sen. Bong Go

Imahe mula sa DILG
  • Nanawagan si Sen. Bong Go sa IATF at NTF na pag-aralang mabuti ang ipinatutupad na barrier design sa mga motorsiklo
  • Dapat, aniya, na pakinggan ang hinaing ng riders, opinion ng safety experts at sentimyento ng publiko hinggil sa paglalagay ng barrier sa pagitan ng driver ng motorsiklo at angkas
  • Bilang isa ring nagmomotorsiklo, alam ni Sen. Bong Go ang kahalagahan na masigurong ligtas sa kalsada ang ipinatutupad na patakaran sa motorcycle backriding

Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases at sa National Task Force (NTF) against COVID-19 na pag-aralang mabuti ang ipinatutupad na backriding at barriers designs para  sa mga motorsiklo.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Bong Go

Buhay kasi ng mga mamamayang nagmomotorsiklo ang nakataya dito.

Hinikayat niya ang IATF at NTF na pakinggan ang hinaing ng mga motorcycle riders, ang opinyon ng mga safety experts at ang sentimyento ng publiko hinggil sa health and safety measures na ipinatutupad.

Dapat, aniyang, bigyan ng magandang solusyon ang mga mamamayang Pilipino sa halip na dagdag konsumisyon.

“Nananawagan ako muli na pakinggan natin ang mga hinaing ng mga riders, mga opinyon ng safety experts at ang mga sentimyento ng publiko ukol sa health and safety measures na dapat ipatupad. Bigyan natin ang mga Pilipino ng mabisang solusyon at hindi dagdag na konsumisyon,” panawagan ni Sen. Go.

Sinabi ng senador na, bilang isang nagmomotorsiklo, alam niya ang kahalagahan na masigurong ligtas sa kalsada ang ipinatutupad na patakaran para sa motorcycle backriding.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Bong Go

“Ang disensyo ay dapat ligtas, hindi magiging sanhi ng aksidente at mapipigilan talaga ang pagkalat ng sakit,” aniya.

“Malaking tulong ang pagpayag ng IATF sa backriding on certain cases tulad ng sa mga mag-asawa dahil limitado pa rin ang transportation options sa panahon ngayon. Pero kailangang suriing mabuti ang safety measures na gagawin para masigurong ang backriding ay mapapahintulutan sa ligtas na paraan,” dagdag pa niya.

Ang full implementation ng paglalagay ng barrier sa pagitan ng driver ng motorsiklo at angkas na ang disenyo ay dapat aprubadao ng IATF ay nakatakda sa July 19, 2020.

Imahe mula sa WheelsPH

Loading…