Dating barker dumidiskarte bilang mangangalakal upang kumita

Imahe mula sa Facebook | Bernadette Reyes
  • Napahanga ang netizens sa diskarte ng isang dating barker na ngayon ay nangangalakal na sa isang ilog
  • Kahit kasi P5 lamang ang kinikita nito sa loob ng apat na oras na panunungkit ng mga plastic ay hindi siya pinanghihinaan ng loob
  • Marami ang nagpahayag ng kagustuhan tumulong sa kaniya

Bagama’t unti-unti nang bumabalik ang operasyon ng mga pampublikong transportasyon na naantala dahil sa COVID-19 ay mayroon pa ring mga hindi pa nakapaghahanapbuhay muli.

Imahe mula sa Facebook | Bernadette Reyes

Isa riyan si Vicente Bilambato mula sa Quezon City. Dati siyang nagtatrabaho bilang barker ngunit dahil sa paglilimita ng mga pumapasadang jeep ay kailangan muna niyang dumiskarte upang mapunan ang kanilang pangangailangan.

Nakapanayam siya ng reporter na si Bernadette Reyes at ibinahagi niya na sa ngayon ay nangangalakal siya sa pamamagitan ng pamimingwit ng mga plastik sa isang ilog.

Sa loob ng apat na oras na pagkayod ay P5 lamang ang kinikita niya. “Kaunting tiyaga lang. Kung wala kang tiyaga, wala kang kakainin,” aniya sa panayam.

Napahanga ang marami sa diskarte ni Mang Vicente sa gitna ng pandemya. 

Imahe mula sa Facebook | Bernadette Reyes

“Saludo sa iyo, Tatay. Legal na, nakatutulong pa sa kalinisan. More power, Tay,” ani P. Yukimura.

Ang ilan, naantig sa matamis na ngiti niya sa kabila ng pagsubok na pinagdadaanan. “That smile. Kahit na alam mong hirap siya sa buhay, bakas pa rin sa kaniyang mukha ang saya. Mas humahanga ako sa mga taong ganito. Lumalaban nang parehas.”

Marami ring mga netizen ang hindi nag-atubili na tumulong sa kaniya.

 Ayon sa ilang netizens, matatagpuan sa Araneta Avenue ang masipag na lalaki. “Sa tabi ng ilog sa may Meralco sign po sila located,” sabi naman ni Bernadette.

“Kasabay po ng mga jeepney driver, nawalan din ng pinagkakakitaan ang mga barker, dispatcher, kundoktor, mga taga-linis ng jeep sa terminal, at mga naglilinis ng mismong terminal. Napakarami po talagang apektado kaya sana makabalik na ng tuluyan ang biyahe ng mga jeep,” hiling ni R. Piad.

Sa mga nais na magpaabot ng tulong, maaaring i-contact ang pamangkin ni Mang Vicente sa 09362968309. 

Source :

Facebook

Loading…