Dating UCPB exec, Calida nanguna sa mga gov’t officials na may pinakamalaking natanggap na sahod

Imahe mula sa PNA
  • Pumangalawa si SG Jose Calida sa may pinakamalaking natanggap na sahod noong 2019
  • Base ito sa inilabas na listahan ng Commission on Audit (COA)
  • Nanguna sa listahan ang mga opisyal ng bangko na pag-aari ng gobyerno

Pumangalawa si Solicitor General Jose Calida sa mga opisyal ng gobyerno na tumanggap ng malalaking sahod noong nakaraang taon; ito ay base sa ulat ng Commission on Audit (COA) na isinapubliko nitong Miyerkules.

Nangunguna sa listahan si dating UCPB President at CEO Higinio Macadaeg Jr. na nakatanggap ng P20,475,205.79 habang sumunod naman si Calida na tumanggap ng P16,952,843.27, ayon sa 2019 Report on Salaries and Allowances (ROSA) ng COA.

Imahe mula sa Wikipedia

Sa sampung nangunguna, si Calida lamang ang tanging opisyal na hindi nagtatrabaho sa bangko ng gobyerno.

Pangatlo naman sa listahan si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na may take home pay na umabot sa P15,450,731.07; pang-apat si UCPB Exec. VP at Head of Treasury Banking Group Eulogio Catabran na may sahod na P15,097,326.13; habang panglima si BSP Deputy Governor Maria Almasara Tuaño-Amador na tumanggap ng P14,604,660.46 noong nakaraang taon.

Kabilang din sa top ten ang mga sumusunod:

  1. BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier – P14,595,150.67
  2. BSP Senior Assistant Governor Dahlia Luna – P12,244,273.37
  3. BSP Senior Assistant Governor Ma. Ramona Gertrudes Santiago – P12,179,712.23
  4. Former UCPB Exec. VP and Head of Branch Banking Group Edmond Bernardo – P11,586,338.43
  5. BSP General Counsel Elmore Capule – P11,421,290.17

    Imahe mula sa Philstar

Samantala, sa hanay naman ng Korte Suprema, nanguna si Chief Justice Diosdado Peralta na tumanggap ng P10,368,218.30 (13th sa listahan) na sinusundan ni Associate Justice Estela Perlas-Bernabe na may sahod na P10,219,702.61 (16th).

Ang ROSA ay taunang ulat ng COA kung saan makikita ang kabuuang natanggap na sahod at mga allowances ng mga opisyal ng government owned or controlled corporations (GOCCs); national government agencies; state universities and colleges (SUCs), at iba pang ahensiya.

Kadalasan ay pinangungunahan ito ng mga opisyal ng BSP at iba pang bangkong pag-aari ng pamahalaan.

Loading…