DepEd at mga sponsoring agencies, nanindigang tuloy ang pagbubukas ng mga klase sa Agosto

  • Naninindigan ang mga ahensiya at institusyong kaagapay ng DepEd na dapat nang magsimula ang mga klase sa Agosto 24, 2020 sa kabila ng hindi pa paghupa ng COVID-19 bilang pandemya
  • Naniniwala umano sila na magiging mabisa ang “blended learning approach”
  • Ang edukasyon daw ay karapatan ng mga bata at kailangan itong maprotektahan

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Department of Education o DepEd, kasangga ang iba’t ibang mga ahensiyang tumatayong sponsor nila, na naninindigan sa pagbubukas ng mga klase sa pampublikong paaralan sa darating na Agosto 24, 2020 gamit ang blended learning modality.

Ayon sa Facebook post na matatagpuan sa kanilang opisyal na page, “We, the undersigned, strongly support the opening of the school year and schools, with appropriate public health and safety standards in place, by August 24, 2020, as previously recommended by the Department of Education (DepEd),” ayon sa panimulang talata ng opisyal na pahayag.

Imahe mula sa Facebook page ng DepEd / Public Domain Image

“Children’s right to education must be protected. We affirm the global belief that schools are not only places of learning. They provide social protection, nutrition, health, and emotional support that are a life security for disadvantaged learners. Education is an essential strategy to reopen the economy. The sooner we bring back the Filipino youth to school, the sooner we can start rebuilding for a stronger Philippines, post-pandemic,” ayon dito.

Giit pa nila, hindi dapat huminto ang takbo ng pamumuhay ng mga tao dahil sa pandemya. Naniniwala rin umano sila sa “blended learning approach” kung saan pinaghalong face-to-face, online, at modular ang mga opsyon sa pagtuturo at pagkatuto batay na rin sa hinihingi ng sitwasyon.

Ang blended learning ay hindi bagong modality; bagkus, matagal na itong ginagawa sa ibang mga lugar. Nagkataon lamang na pangmalawakan na ang paggamit nito.

Public Domain Image

Ang mga ahensiya at institusyong kaagapay ng DepEd sa muling pagbubukas ng klase at nagpahayag ng kanilang paninindigan o posisyon sa usapin ng pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng blended learning ay ang Philippine Business for Education, Makati Business Club, UNICEF Philippines, Philippine Normal University o PNU, Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP, Action for Economic Reforms, at Knowledge Channel Foundation, Inc.

Loading…