‘Di nagsisisi na hindi siya nakatapos: Maja Salvador proud na napag-aral ang mga kapatid

Image by Maja Salvador via Facebook
  • Maja Salvador, ipinagmalaking napagtapos niya sa kolehiyo ang kanyang mga kapatid
  • Wala umano siyang pinagsisisihan sa ginawa niyang ito kahit siya mismo ay hindi nakatapos ng kolehiyo
  • Ikinuwento niya ang paghihirap na pinagdaanan ng kanyang pamilya noon

Ipinagmamalaki ng Kapamilya actress na si Maja Salvador na napaaral niya ang kanyang mga kapatid dahil sa pagtatrabaho niya bilang artista kahit na sa ginawa niyang ito ay siya mismo ang hindi nakatapos ng kolehiyo.

Image by Maja Salvador via Facebook

“Ang sarap sa pakiramdam na nakapagtapos sa pag-aaral ‘yung kapatid mo. May kanya-kanya na silang trabaho.

“Hindi man ako makapagtapos ng pag-aaral pero nai-share ko ang lahat ng pagod at paghihirap ko. Nagbunga ng maganda sa mga kapatid ko,” wika niya.

Dagdag pa ni Maja sa programang “I Feel U” ni Toni Gonzaga, pakiramdam niya ay maaga siyang naging nanay yamang siya na ang nagsilbing breadwinner ng kanyang pamilya.

Ikinuwento pa nito ang hirap na pinagdaraanan ng kanyang pamilya noon. Palipat-lipat siya, aniya, ng tirahan sa mga kamag-anak para alagaan siya. Doon na siya nag-umpisang mangarap hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati na rin sa kanyang pamilya.

“Kasi wala kaming bahay, nakikitira kami. Sa probinsya ako lumaki. Nung umuwi na ‘yung mama ko sa Pilipinas, nag-decide siya na kunin na ako sa mga kapatid niya tapos sa Manila na kami. Nung nasa Manila na kami, nakitira naman kami sa mga pinsan niya. Wala talagang permanent na bahay.”

Kaya’t noong may pagkakataon, dagdag nito, in-embrace niya ito ng buong-buo at ginawa ang 1,000 percent para maayos na magampanan ang kanyang trabaho kasabay ng panalangin sa Panginoon.

Image by Maja Salvador via Facebook

Para maisakatuparan ang kanyang mga pangarap, malaki ang nagawa rito ng ABS-CBN na siyang nagbigay daan sa kanyang karera sa showbiz.

Dito, nakilala siya sa mga teleserye kagaya ng Nagsimula sa Puso, Minsan Lang Kita Iibigin, Ina, Kapatid, Anak, The Legal Wife, Bridges of Love, FPJ’s Ang Probinsyano at WildFlower. 

Image by Wildflower via Facebook

Loading…