DICT maglalaan ng P7.7-B ng 2021 budget para sa ‘free Wifi program’

Imahe mula sa DICT - Facebook
  • Maglalaan ang DICT ng P7.7-B para sa libreng wifi sa mga pampublikong lugar
  • Karamihan sa mga itatayong live sites ay sa mga pampublikong eskuwelahan, kolehiyo at unibersidad
  • Target ng ahensiya na makapagtayo ng 23,100 sites bago matapos ang taong 2021

Maglalaan ang Department of Information and Communication Technology (DICT) ng P7.7-B mula sa panukalang 2021 budget ng ahensiya para sa libreng wifi sa mga pampublikong lugar at maging sa mga kolehiyo at unibersidad.

Ito ay bahagi umano ng kanilang target na makapagtayo ng 23,100 live sites bago matapos ang taong 2021, ito ang ibinahagi ni DICT Secretary at dating senador Gregorio ‘Gringo’ Honasan.

Imahe mula sa DICT – Facebook

“We are aiming to provide every public school and SUC with free internet connectivity and access to aid our students and teachers adapt to the new normal in the education sector,” ani Honasan.

Ayon sa kalihim, karamihan sa mga live sites ay itatayo nila sa mga public education insttitutions; 10,300 sa mga ito ay para sa mga pampublikong eskuwelahan habang 1,804 naman ang itatayo sa mga SUCs (state universities and colleges) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

“This is part of our commitment to DepEd (Department of Education), CHED (Commission Higher Education), and TESDA to ensure the education sector’s access to broadcast, connectivity and digital security this upcoming school year while the country is still under state of public health emergency,” ayon pa kay Honasan.

Imahe mula sa DICT – Facebook

Kasama rin umano sa itatayong 23,100 bagong sites ang mga sumusunod: 5,644 sites para sa national at local government offices;  3,300 sites sa government hospitals at rural health units; 1,505 sites sa mga public parks, plazas at iba pang open areas; 368 sites sa mga public libraries, at 179 sites sa mga transport terminals.

Sa kasalukuyan, mayroon nang naitayong 4,248 live sites ang DICT sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at gumagana na ang mga ito sa ilalim ng Free Wi-Fi for All Program.

Humihiling ang DICT ng kabuuang P46.6-B bilang budget sa para 2021 upang matustusan ang nasabing programa ng gobyerno.

Loading…