DILG hinihikayat ang LGUs na magpasa ng mga ordinansa na may parusang kulong sa quarantine violators

Imahe mula sa Public Order and Safety Office Binan City
  • Ordinansang magpapataw ng parusang kulong sa quarantine violators, panawagan ng DILG sa mga LGUs
  • Nais ng DILG na magsilbing leksyon ang parusa sa mga mahuhuli upang hindi na ulitin ang paglabag
  • Hinikayat ng DILG na palakasin ng LGU ang kanilang digital economy tungo sa paglaganap ng cashless transactions

Sa gitna ng patuloy na pananalasa ng COVID-19 outbreak sa bansa, hinikayat ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga local government units (LGUs) na gumawa ng mga ordinansa na magpapataw ng parusang pagkakakulong sa mga lumalabag sa quarantine rules.

Imahe mula sa Public Order and Safety Office Binan City

Nais ni Sec. Año na magsilbing leksyon ang parusa sa sinumang mahuhuli upang hindi na nila ulitin pa ang paglabag.

“We have encouraged our mayors to pass ordinances so that the implementation will be uniform and all violators should be punished with imprisonment so it will serve as a lesson and they will no longer violate quarantine measures,” pahayag ng kalihim.

Kailangan umano itong gawin dahil kailangang sumunod ang mga mamamayan sa minimum health standards. Ang pagasunod sa mga ito raw ang susi upang maiwasan ang COVID-19 contamination.

Kaugnay pa rin ng ginagawang pagtugon sa health crisis, inatasan ng DILG ang mga LGUs na palakasin ang kanilang digital economy patungo sa paglaganap ng mga digital transactions upang mabawasan ang pakikisalamuha ng mga tao sa bawat isa at nang maiwasan ang pagkakahawahan.

Imahe mula sa DILG

Hinihikayat ni Sec. Año ang mga local executives na bilisan ang pag-isyu ng mga permit at clearance sa pagtatayo ng mga imprastraktura na kailangan sa digital connectivity sa buong bansa  kabilang na ang pagtatayo ng mga cell sites para sa mas mabilis na internet connection.

Ayon naman kay DILG Undersecretary at Spokesman Jonathan Malaya, dapat himukin ng LGUs ang mga negosyo sa kanilang nasasakupan na gamitin ang online money transfer sa halip na pisikal na pagbabayad.

Aniya, kabilang sa mga pakinabang ng cashless payment ay kaginhawahan para sa kliyente na nakatitipid ng oras kaysa sa karaniwang paraan ng pagbabayad.

Imahe mula sa Tribune
Source :

Philstar, DILG

Loading…