Dingdong Dantes, kinastigo ng AFP reservist at ex-PAF pilot dahil sa sinabi kontra sa ATL

Imahe mula sa PTN
  • Dingdong Dantes kinastigo ng AFP reservist at ex-PAF pilot dahil sa tinuran laban sa ATL
  • Sinabi ng aktor na ang idinudulot ng bagong batas ay takot at pagkakawatak-watak ng mga mamamayan
  • Bilang Navy reservist, dapat umanong sinusuportahan ni Dingdong Dantes ang programa ng gobyerno at hindi nagsasalita laban dito
  • Isang netizen ang nagpaalala sa aktor sa sinumpaang katapatan sa Republika, ipagtanggol ang Konstitusyon at sundin ang mga utos ng Pangulo ng Pilipinas 

Kinastigo ng dalawang Armed Forces of the Philippines (AFP) reservists ang aktor at Philippine Navy reservist na si Dingdong Dantes dahil sa sinabi niya laban sa anti-terror law (ATL) na kailan lang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Imahe mula sa PTN

Sabi ng aktor, nagdudulot daw ng takot ang ATL na msabuso ang kapangyarihan dahil sa kawalan ng katiyakan at kawalan ng dialogue. Nakakalungkot umano na sa halip na pagkaisahin ang mga mamamayan ay pinagwatak-watak pa ng batas ang mga tao.

Sa isang Facebook post ni Ulysses Ignacio, dating piloto ng Philippine Air Force batay sa larawan sa kanyang social media account at isa umano sa mga bumuo ng Anti-Terrorism Task Force sa ilalim ng Office of the President noong 2004, dapat raw na sinusuportahan ni Dingdong Dantes ang gobyerno bilang isang reservist.

“Bilang reservist as you claim to be, dapat sumuporta ka sa programa ng gobyerno hindi kontrahin ito. It only shows na hilaw pagiging reservist mo at mababaw ang foundation mo bilang Navy Reserve. May spokesperson ang AFP at you’re violating the protocol by branding your reserve status at the same time being a civilian, an actor at that. You are well covered by a court martial kaya shut the hell up. Keep your opinion to yourself. A soldier only talks when asked.”

Screenshot ng Instagram post ni Dingdong Dantes

Sinabi naman ng isang AFP reservist, na nagpakilalang si John Paolo N. Nartatez, sa aktor na talikuran na lang nito ang AFP at itigil ang kahihiyang ibinibigay niya sa mga miyembro ng institusyon.

“Whenever you speak, you are not only speaking for yourself but for us too. So please, if you really can’t live by the military codes of conduct, do us all a favor. Renounce from the AFP. Stop disgracing us!”

Ipinaalala naman ng netizen na si Loy Abuhan sa aktor ang oath of allegiance na ginawa niya nang magpalista bilang Navy Reservist at nang ma-promote na Lt. Commander ng Philippine Navy Reserve Force. Ibinahagi niya sa Facebook ang eksaktong panunumpang ginawa ng aktor.

Imahe mula sa Instagram account ni Marian Rivera

“I, José Sixto Raphael González Dantes III, do solemnly swear that I will bear true faith and allegiance to the Republic of the Philippines, that I will serve it honestly and faithfully against all its enemies whomsoever; that I will support and defend the Constitution of the Philippines; that I will obey the orders of the President of the Philippines and the orders of the officers appointed over me, according to the rules and articles of war; and that I impose this obligation upon myself voluntarily, without mental reservation or purpose of evasion. So help me God.”

Sa huli, ipinahuhubad ni Loy Abuhan kay Dingdong Dantes ang uniporme ng Navy.

Loading…