Dingdong pamumunuan ang AKTOR, ang bagong grupo ng mga artista

Imahe via Instagram
  • Pamumunuan ni Dingdong ang bagong grupong AKTOR
  • Ang mga kasapi nito ay kinabibilangan ng mga direktor, bago at beteranong artista
  • Naglabas ng pahayag ang grupo tungkol sa maiinit na isyu ngayon

Sa gitna ng masalimuot na isyu ng prangkisa ng ABS-CBN kung saan apektado ang maraming taga-industriya ng pelikula, isang bagong tatag na grupo ng mga artista ang sumulpot – ang AKTOR.

Ayon sa mga lumabas na ulat, pamumunuan ni Kapuso star Dingdong Dantes ang bagong grupo. Kabilang sa mga kasapi sa grupo ay sina Agot Isidro, Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache, Direk Joel Lamangan, Joel Torre, Richard Gutierrez, Michael de Mesa at marami pang iba.

Imahe via Kapamilya Kingdom Facebook

Nitong Miyerkules, naglabas ng pahayag ang grupo tungkol sa ilang isyu kasama na ang ABS-CBN shutdown, anti-terror bill at iba pa. Ang mabigat na binitawang pahayag ay binasa ni Dingdong sa isang livestream.

“Bakit ganoon na lamang ang naging kalakaran? Ang mga ito ba ay sintomas ng mas malalang sakit na kasabay ng COVID-19? Hindi maiiwasang isipin na ang lahat ng mga nangyayari ay may iisang layunin,” ani Dingdong tungkol sa protocol na inilabas ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Imahe via Kapamilya Kingdom Facebook

Naglabas rin ng saloobing ang grupo tungkol sa pananaw ng publiko sa mga artistang tulad nila.

“Madalas itinuturing na lamang ang karamihan ng mga aktor na mga manika at tau-tauhan na panlibang at nagdudulot ng saya. Dala na din siguro ito ng maling pag-unawa sa totoong kalagayan ng mga aktor sa kabuuan. Tapusin na natin ang ganoong pananaw,” wika nito.

Imahe via Kapamilya Kingdom Facebook

Ang AKTOR ay itinatag umano noong Mayo 20, 2020 na nag layunin umano ay lumikha ng komunidad ng mga artistang nais ipagtanggol ang kanilang hangarin na makagawa ng mga kuwentong makatutulong sa pag-unlad ng bansa.

“Nananalig kami sa kakayahan ng malilikhaing pilipino na baguhin ang takbo ng kuwento, iparating sa mga kinauukulan ang pinakanapapanahong sentimyento ng Pilipino na siyang dapat bigyan ng pangunahing pansin, at ibailk ang kapangyarihan sa tunay na bida ng bansa —ang mamamayan,” pagtatapos ng pahayag.

Loading…