Direktiba ng DILG: Mass gathering bawal sa SONA ni Pang. Duterte

SONA 2019| Imahe mula sa RTVM-YT
  • Bawal ang lahat ng uri ng mass gathering sa darating na SONA
  • Naglabas na ng pormal na direktiba ang DILG tungkol dito
  • Kakausapin naman ng NCRPO ang mga militanteng grupo tungkol sa nasabing pagbabago

Naglabas na ng direktiba ang Department of Interior and Local Government (DILG) na nagbabawal sa maramihang pagtitipon sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing direktiba ay bilang sagot umano sa katanungan ng mga lokal na pamahalaan kung maaari silang mag-isyu ng permit para sa mga rally at demonstrasyon sa darating na Lunes, ika-27 ng Hulyo kung kailan nakatakdang magbigay ang Pangulo ng kaniyang ika-5 SONA.

Imaeh mula sa Facebook

“The Inter Agency Task Force strongly reiterates that mass gatherings such as, but not limited to, movie screenings, sporting events, and other entertainment activities, community assemblies and non-essential work gatherings are prohibited,” anang direktiba na may petsang Hulyo 23.

Kinumpirma rin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major Gen. Debold Sinas nitong Biyernes na nakatakda siyang makipagpulong sa mga militanteng grupo para pag-usapan ang pagbabagong ito kumpara sa mga nakaraang SONA.

Media bawal dumalo sa SONA ni Pangulong Duterte

“On our initial dialogue, we have agreed to that pero kakausapin pa kasi namin sila kasi a new directive is being issued kahapon lang ito. Issued from chief executive galing sa DILG,” ani Sinas.

Imahe mula sa Bulatlat

Personal na babasahin ni Duterte ang kaniyang talumpati sa Batasang Pambansa subalit piling-pili lamang ang makadadalo sa nasabing pagtitipon. Karamihan umano sa mga opsiyal ng gobyerno kasama na ang ilang kongresista ay makikinig lamang online.

Ang kumpirmado lamang na makadadalo sa Batasan, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ay 15 miyembro ng gabinete, 25 kongresista at lahat ng nakaupong senador. Maging ang miyembro daw ng First Family ay hindi pa rin tiyak kung lahat ay makadadalo.

Nauna na ring naibalita na walang media na maaaring dumalo sa nabanggit na pagtitipon.

Loading…