“Do not judge others”: Bible verse na ipinost ni Jinkee Pacquiao, sagot kaya sa pasaring ni Agot Isidro?

Imahe mula sa Facebook
  • Jinkee Pacquiao nag-post ng Bible verse sa Instagram
  • Naniniwala ang mga online followers ni Jinkee na sagot ang nasabing post sa kontrobersyal na tweet ni Agot Isidro
  • Nauna nang pinuna ni Agot Isidro ang pagpo-post ni Jinkee ng karangyaan sa social media

Kontrobersyal ngayon ang singer-actress na si Agot Isidro matapos niyang punahin ang mga ipinopost ni Jinkee Pacquiao sa social media na tungkol sa mga mamahalin niyang mga gamit.

Imahe mula sa Facebook account ni Agot isidro

“Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam. Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puede ba, konting sensitivity man lang?” prangkang mensahe ng singer-actress sa Twitter sa post ni Jinkee tungkol sa “his” and “hers” Hermes at Louis Vuitton na bisikleta na regalo pala sa mag-asawa ng kanilang kumpare.

Marami ang nagtanggol kay Jinkee, kabilang na ang business manager ni Manny Pacquiao na si Arnold L. Vegafria. Partikular na tinukoy ni Vegafria ang ginamit na hashtag ng singer – ang #nouveau, isang derogatory term na ginagamit upang ilarawan ang mga taong kailan pa lang naging mayaman at salat sa ”social graces.”

Mayroon din namang mga pumanig kay Agot Isidro.

Kasunod ng kontrobersya ay may bago na namang post si Mrs. Pacquiao sa kanyang Instagram stories. Hango iyon sa Bible (New Living Translation) – ang Matthew Chapter 7 verses 1-6 na pinamagatang “Do not judge others.”

Imahe mula sa Facebook account ni Jinkee Pacquiao

Makikita sa post ni Jinkee na naka-highlight ng tintang kulay magenta ang Bible verse at may nakaturong “arrow” sa pamagat ng berso.

Wala mang binanggit na pangalan si Jinkee, ipinagpapalagay ng kanyang mga online supporters na patungkol iyon kay Agot.

Narito ang sinasaad ng Matthew 7:1-6:

1 “Do not judge others, and you will not be judged. 2 For you will be treated as you treat others. The standard you use in judging is the standard by which you will be judged.

3 “And why worry about a speck in your friend’s eye when you have a log in your own? 4 How can you think of saying to your friend, ‘Let me help you get rid of that speck in your eye,’ when you can’t see past the log in your own eye? 5 Hypocrite! First get rid of the log in your own eye; then you will see well enough to deal with the speck in your friend’s eye.

6 “Don’t waste what is holy on people who are unholy. Don’t throw your pearls to pigs! They will trample the pearls, then turn and attack you.

Screenshot ng social media post ni Jinkee Pacquiao

Loading…