DOH nag-sorry matapos magkamali sa COVID ‘emerging hotspot’ sa NCR

Imahe mula sa DF Balita
  • DOH humingi ng paumanhin sa tinukoy na ‘emerging hotspot’ ng COVID sa bansa
  • Nagkamali umano sila sa nabanggit ng rekord dahil ito ay para sa Hunyo
  • Nangako naman ang ahensiya na pag-iibayuhin ang pagbabantay

Humingi ng paumanhin sa publiko ang Department of Health (DOH) matapos amining nagkamali ito sa pagtukoy ng mga ‘emerging hotspot’ ng coronavirus sa Metro Manila.

Noong Lunes nang umaga sa isang press briefing, tinukoy ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tagapagsalita ng ahensiya, ang mga lungsod ng Marikina, Muntinlupa, Makati at Quezon City bilang ‘emerging hotspots’.

Usec Vergeire| Imahe via DOH Facebook

Ayon sa opisyal, ang Marikina ay mayroong 51 kaso ng COVID-19 (43.47% growth rate), ang Muntinlupa ay may 30 kaso (35.16% growth rate), ang Quezon City ay may 406 kaso (34.5% growth rate) habang ang Makati ay may 135 kaso (30.18% growth rate).

Subalit ang mga nabanggit na numero ay para pala sa buwan ng Hunyo.

Binawi naman kaagad ni Vergeire ang naunang pahayag at humingi ng paumanhin nitong Lunes ng gabi.

“The following cities were mistakenly classified as hotspots and was based on a report last month. We are thankful to report that as of July 5, the mentioned cities show a significant decline in case growth,” ani Vergeire.

Nangako naman ang opisyal na pag-iibayuhin nila ang kanilang pagbabantay upang hindi na magkamali sa mga impormasyong ilalabas sa madla at magdulot ng kalituhan.

Imahe mula sa DOH

“We apologize for the confusion. This is our up to date record. We will redouble our efforts to keep our reports as current as possible,” anito.

Sa pinakahuling tala ng DOH, pumalo na sa 46,333 ang bilang ng kaso ng coronavirus sa bansa matapos madagdagan ng panibagong 2,099 na kaso nitong Lunes, ika-6 ng Hulyo.

Loading…