“Dos por Dos” nina Ka Tunying at Gerry ng DZMM, lilipat na sa TV5?

Imahe mula sa Facebook-DZMM
  • Posibleng lumipat sa TV5 ang ‘Dos por dos’ nina Anthony Taberna at Gerry Baja
  • Bagama’t may alok sa ibang istasyon, mukhang mas pipiliin ng dalawa ng Kapatid network
  • Mananatili naman sa ABS-CBN sina Ted Failon at Noli De Castro matapos pumayag umano na kalahatiin na lang ang kanilang suweldo

Matapos ibasura ng Mababang Kapulungan ang hiling ng ABS-CBN na panibagong prangkisa, karamihan sa talent, empleyado at programa ng Kapamilya network ay naghahanap ngayon ng panibagong ‘bahay’.

Kabilang dito ang sikat na tambalan nina Anthony Taberna at Gerry Baja ng ‘Dos por dos’ na umeere sa DZMM.

Imahe mula You Tube

Ayon sa lumabas na balita sa Politiko, posibleng lumipat ang ‘Dos por dos’ sa TV5 ni Manny Pangilinan.

Maraming mga artista at talent ng ABS-CBN ngayon ang nagpapahiwatig umano kay MVP na gusto nilang lumipat sa Kapatid network. Subalit isa lamang ang ‘Dos por dos’ nina Ka Tunying at Gerry sa napupusuan ng may-ari ng TV5 para kunin, ayon sa mga ulat.

Ilang kilalang personalidad ng ABS-CBN, kasama sa mga unang tatanggalin

Maliban sa TV5, interesado din daw ang board of director ng TV4 na si Katherine De Castro sa tambalan nina Anthony Taberna at Gerry Baja subalit mas parang pipiliin ng dalawa ang lumipat sa istasyon ni MVP.

Maliban kina Taberna at Baja, isa pang host ng DZMM na si Vic Lima ang naghahanap din ng malilipatan na kung hindi man sa TV5 mapunta ay maaaring marinig muli sa radio station na RMN o kaya ay sa DWIZ.

Imahe mula Facebook-DZMM

Samantala, mananatili naman umano sa ABS-CBN ang mga beteranong broadcaster na sina Ted Failon at Noli De Castro. Ito ay matapos pumayag ang dalawa na bawasan ang kanilang suweldo ng kalahati ng kasalukuyang tinatanggap nila ngayon.

Ilang kilalang personalidad na rin ng ABS-CBN ang umaming mawawalan na sila ng trabaho simula sa Setyembre nitong taon.

Kabilang na dito si Korina Sanchez ng ‘Rated K’ at Ces Drilon ng ‘Bandila’. Kamakailan ay kinumpirma rin ni Czarina Balba, o mas kilala bilang DJ Chaha, na magsasara na rin ang FM radio station na MOR 101.9.

Loading…