DOTr bumili ng 2,000 monoblock chairs para maibsan ang pagdurusa ng stranded passengers sa NAIA

Imahe mula sa DOTr
  • Mabilis na tumugon ang DOTr sa utos ni Pangulong Duterte na tulungan ang mga stranded passengers sa NAIA
  • Nagpabili si Sec. Tugade ng inisyal na 2,000 monoblock chairs na magagmit ng mga stranded passengers sa airport
  • Nakikipag-usap na rin ang DOTr sa mga airlines para sa flight ng mga locally stranded individuals patungo sa kanilang mga probinsya

Tumugon ang Department of Transportation (DOTr) sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdagdag ng mga upuan sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang may maupuan ang mga pasaherong na-stranded doon dahil sa mga kanselasyon ng mga flights sanhi ng COVID-19 outbreak.

Imahe mula sa DOTr

Maaalalang tinawag ng Pangulo ang pansin ni DOTr Secretary Art Tugade dahil sa kalunos-lunos na kalagayan ng mga stranded passengers na nasa ilalim ng NAIA Expressway na lang natutulog habang naghihintay ng flight patungo sa kanilang mga probinsya.

Noong Miyerkules, July 1, ay nagtungo sa NAIA Termial 3 si Sec. Tugade, kasama ang ilan pang transport officials, upang alamin ang kalagayan ng mga stranded passengers.

Nang makitang kulang ang mga upuan sa paliparan para sa mga naghihintay na pasahero ay agad nag-utos ang kalihim sa pamunuan ng Manila International Airport Administration na bumili ng inisyal na 2,000 monoblock chairs na ilalagay sa loob ng NAIA.

“While observing social distancing, nag-utos po ako kanina na bumili ng upuan, para antimano madagdagan. Nasa 2,000 po ‘yun minimum, sa umpisa, pero magkakaroon kami ng programa na madaragdagan ‘yung seating capacity,” sabi ni Secretary Tugade.

Imahe mula sa DOTr

Nakipag-usap ang kalihim sa mga stranded passengers at tiniyak sa mga ito na prayoridad ng Pangulo ang kanilang kaligtasan at kaginhawahan. Ipinaliwanag niya na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya upang ang mga locally stranded individuals ay matulungan.

“Makikipagpulong kami sa mga airlines at makikipag-coordinate sa LGUs para sa schedule ng flights ng stranded nating mga kababayan,” aniya.

Imahe mula sa DOTr

Loading…