DPWH Secretary Mark Villar nagpositibo sa COVID-19

Imahe mula sa Facebook ni Sec. Mark Villar
  • Nagpositibo sa COVID-19 si DPWH Secretary Mark Villar ng DPWH
  • Inanunsiyo ito ng kalihim sa kaniyang social media account
  • Kailan lamang ay itinalaga si Villar bilang ‘isolation czar’ ng pamahalaan

Nagpositibo sa coronavirus si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar; ito ang inanunsiyo ng kalihim sa kaniyang social media account nitong Miyerkules.

“I regret to announce that today, July 15, I received my test result and it is positive for COVID-19,” anang maikling mensahe ni Villar sa kaniyang Facebook.

Screenshot mula sa Facebook ni Sec. Villar

Kamakailan lamang ay itinalaga ni Pangulong Duterte si Villar bilang ‘isolation czar’. Kabilang sa kaniyang magiging responsibilidad ang mag-ayos at magtayo ng mga pasilidad ng gobyerno para gawing quarantine center sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

SI Villar ang pangalawang mataas na opisyal ng gobyerno na nagpositibo sa COVID-19 nitong buwan. Noong Hulyo 4, inanunsiyo din ni DILG Undersecretary for Operations Epimaco Densing III na kasalukuyan na siyang ginagamot sa isang ospital matapos dapuan ng virus.

Imahe mula sa Fecbook ni Sec. Villar

Maliban kina Villar at Densing, ilang opisyal na rin ng gobyerno ang tinamaan ng coronavirus nitong nagdaang mga buwan at lahat sila ay gumaling.

Ang mga nagpositibo dati sa COVID-19 ay kinabibilangan nina Interior Secretary Eduardo Año, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senador Koko Pimentel at Sonny Angara, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Felimon Santos Jr., Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia, at ilang lokal na opisyal sa Luzon.

Samantala wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Villar tungkol sa quarantine protocol na kaniyang gagawin. Hindi pa rin naglalabas ng pahayag ang Malakanyang tungkol dito.

Loading…