DTI nakiusap sa LGUs na simulan ang curfew hours alas-dose ng hatinggabi

Imahe mula sa Presto
  • Nakiusap si DTI Scec. Ramon Lopez sa mga LGU na simulan sa hatinggabi ang curfew hours
  • Ito ay upang maging mas mahaba ang operating hours ng mga dine-in restaurants
  • Sinabi ng kalihim na ang 40% hanggang 50% na kita ng dine-in restaurants kada araw ay mula sa dinner o hapunan

Hinihikayat ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang mga local government units (LGUs) na nagpapatupad ng curfew sa kanilang nasasakupan na simulan ang curfew hours alas-dose ng hatinggabi upang makapag-operate ng mas mahabang oras ang mga restaurants at fast-food chains.

Imahe mula sa Presto

Sa ngayon, iba-iba ang curfew hours na ipinatutupad ng mga LGUs – may nagsisimula ng alas-sais ng gabi, may alas-otso ng gabi at ang iba ay alas-diyes ng gabi.

Sa Laging Handa press briefing nitong Martes, ika-14 ng Hulyo, sinabi ni Sec. Lopez na mas maraming customers ang mapagsisilbihan ng mga restaurants at fast food chains na may dine-in services kapag mas mahaba ang operating hours ng mga ito.

“I hope they will allow it because it will give additional income also to the workers if they will extend it because it will have more turnover, at least for dinner,” ani Sec. Lopez.

Binanggit pa ng kalihim na ang 40% hanggang 50% na kita ng mga dine-in restaurants kada araw ay mula sa dinner o hapunan.

Simula sa July 21, itataas na ang papayagang dine-in capacity ng mga restaurants sa general community quarantine areas (GCQ). Mula sa dating 30% ay gagawin nang 50%. Sa modified GCQ areas naman ay papayagan na ang hanggang 75%.

Imahe mula sa DTI

“From 30 percent to 50 percent sa GCQ areas. Ganun din po sa modified GCQ, from 50 percent naman po sila to 75 percent,” wika niya.

“Sana magawa po ‘yun dahil makakadagdag po sa kita ng mga workers ‘yun,” sabi pa ng kalihim.

Tiniyak ni Sec. Lopez, batay sa isinagawang pag-iinspeksyon, na sinusunod naman ng mga dine-in restaurants ang minimum health standards upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga customers at mga kawani.

Imahe mula sa DTI
Source :

PNA, Inquirer

Loading…