Duterte may babala sa mga telcos: “Improve your services before December”

Screenshot mula sa RTVM SONA video
  • Binalaan ni Duterte ang mga telcos na ayusin ang kanilang serbisyo bago ang Disyembre
  • Ipasasara o i-expropriate niya umano sa gobyerno ang mga nabanggit na kumpanya
  • Gugugulin daw ng Pangulo ang nalalabing dalawang taon sa kaniyang termino para ayusin ang serbsiyo ng telcos sa bansa

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga telecommunication companies sa bansa na ayusin ang kanilang serbisyo bago dumating ang Disyembre o kaniya itong ipasasara o i-expropriate sa gobyerno.

Isa lamang ang mga telcos sa napagdiskitahan ng Pangulo sa kaniyang talumpati sa ginanap na ika-5 state of the nation address (SONA) nitong Lunes, ika-27 ng Hulyo sa Batasang Pambansa.

Screenshot mula sa RTVM SONA video

“I’ll be straight. Smart pati itong Globe, ilang taon na ito? At ang sagot palagi sa akin, the party cannot be reached. E ‘di saan pala pumunta yung y**a na iyon?” panimulang banat ni Duterte sa mga telcos.

Binigyan niya rin ng palugit ang mga nabanggit na kumpanya hanggang sa darating na Disyembre nitong taon.

“Kindly improve the services before December. I want to call Jesus Christ in Bethlehem, better have that line cleared…,” anang Pangulo.

“If you are not ready to improve, I might just as well close all of you and we revert back to the line telephone at kukunin ko yan, i-expropriate ko sa gobyerno,” dagdag pa nito.

Nangako rin ang Presidente na gugugulin niya ang nalalabing dalawang taon sa kaniyang termino para ayusin ang serbisyo ng mga telcos sa bansa. Kung wala daw perang gagastusin ang mga nabanggit na kumpanya, mas maiging umalis na lang sila sa Pilipinas.

Imahe mula sa Bleuken

“Tell us now if you cannot improve on it…I have 2 years, the next two years will be spent improving the telecommunications in this country without you,” wika pa nito. “I will find a way. I will talk to Congress and find a way how to do it.”

Isa ang mga mabagal na serbisyo ng telcos gaya ng PLDT, Smart at Globe sa madalas na inirereklamo ng mga mamamayan.

Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit nabigyang daan ang DITO na pag-aari ni Dennis Uy at ng Chelsea Logistics ng China Telecom para pasukin ang industriya at buwagin ang ‘duopoly’.

Loading…