“Amazing mom”: Erwan Heussaff bilib sa “connection” nina Baby Dahlia at Anne Curtis

Image by Anne Curtis via Facebook
  • Bilib umano si Erwan Heussaff sa naging instant connection nina Anne Curtis at Baby Dahlia
  • Napapaisip pa rin siya kung papaano lumabas ang isang sanggol mula sa sinapupunan ng kanyang asawa
  • Ikinuwento niya ang pang-araw-araw na pagbabago sa sanggol kagaya ng pagkatuto sa mga bagong bagay

Bilib na bilib ang vlogger na si Erwan Heussaff sa naging instant connection ng kanyang mag-ina na sina Anne Curtis at Baby Dahlia samantalang siya, aniya, ay umabot muna ng ilang araw bago mabuo ang koneksyong ito.

Image by Anne Curtis via Facebook

Nasabi ito ni Heussaff sa panayam sa kanya sa The Magic Chatroom ng Magic 89.9 radio kung saan tinawag niyang “amazing mom” si Curtis na agarang nagkaroon ng “mother switch” sa sanggol kahit na noong katatapos lamang nitong manganak.

“We were saying, for dads, it’s like a process to understand what’s happening. For moms, it’s immediate. Like, that connection is forged from Day One. Whereas for dads, it takes a couple of days. You’re kind of looking at your child like, ‘Huh? How did this third person just come out all of the sudden?’

Kapag tinitingnan niya si Curtis, pagkukuwento nito, ay hindi pa rin siya makapaniwala at siya’y napapaisip kung papaano lumabas ang isang buhay mula sa kanyang sinapupunan kaya’t tinatawag niya itong “the miracle of life.”

Impressed umano siya sa koneksyon ng dalawa at kung papaano ginagampanan nang mabuti ng kanyang kabiyak ang kanyang papel bilang nanay. Siya naman daw ay nagbabasa ng libro at tinuturuan pa ang sarili.

Dagdag ng vlogger, itinuturing niyang yaman ang bawat araw na kasama nila ang kanilang anak dahil araw-araw ay nasasaksihan nila ang pagbabago rito kagaya ng pag-intindi sa mga bagay-bagay.

Image by Anne Curtis via Facebook

“Every day is a different day, especially when they’re this young, I guess? Every single day, you see something different and you see some sort of evolution.

“You see that she understands something that she didn’t understand yesterday. All of that is fascinating… But with all that good of today, you always think about tomorrow.”

Image by Anne Curtis via Facebook
Source :

PEP, ABS-CBN News

Loading…