FDCP chair Liza Diño nagsalita na tungkol sa pagkakatanggal niya sa MMFF Execom

Imahe mula sa Facebook ni FDCP chair Liza Diño
  • Nagsalita na si Liza Diño matapos tanggalin sa executive committee ng MMFF
  • Inakusahan si Diño ng ‘lobbying’ upang mailipat ang pamamahala ng MMFF sa ilalim ng FDCP mula sa MMDA
  • Matagal na umano itong nangyari at hindi na nila napag-usapan pang muli

Naglabas na ng kaniyang panig si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman at CEO Liza Diño matapos ang pagkakatanggal dito bilang miyembro ng executive committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

FDCP chair Liza Diño tinanggal na sa executive committee ng MMFF

Nauna nang napaulat na tinanggal si Diño sa execom ng MMFF sa pamamagitan ng sulat na pirmado ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Danilo Lim. Sa nasabing sulat ay inakusahan ni Lim si Diño ng ‘lobbying’ upang mailipat ang pamamahala ng MMFF sa ilalim ng FDCP mula sa MMDA.

Screenshot mula sa Teleradyo video

Sa panayam kay Diño ng DZMM Teleradyo, sinabi nitong nakatanggap sila mula sa MMDA ng isang ‘strongly-worded’ na sulat noong Hulyo 23 at nagsasabing hindi na sila kabilang sa executive committee ng MMFF.

Ganunpaman, dumalo pa umano siya sa sumunod na pagpupulong ng execom at hindi naman napag-usapan ang ganoong bagay.

“Wala namang sinabi sa amin about the whole issue or any concern. MMDA is also part of the FDCP council. They are a board of trustee. So, as government agencies, there are proper processes by which these concerns should be raised,” ani Diño.

Tungkol naman sa hakbang na ilipat ang pamamahala ng MMFF mula sa MMDA papuntang FDCP, nangyari umano ito noong 2017 pa.

Imahe mula sa Twitter ni MJ Felipe

Dahil umano sa mahinang kita ng MMFF noong 2016, nagpanukala silang pahabain at palawakin sa buong bansa ang festival. Nais raw talaga nilang mailipat sa FDCP ang pamamahala ng MMFF dahil ito naman talaga ang nararapat upang matulungan nag industriya ng pelikulang Pilipino.

Bagama’t napag-usapan daw ang kanilang panukala sa execom, mahigpit itong tinutulan ng MMDA. Subalit hindi na napag-usapan ang isyu hanggang sa lumabas nga ang bagong sulat na pirmado ni Lim na tinatanggal na siya sa execom ng MMFF.

“Nasa mandato po namin mismo yung establishment, operation and pag-run ng film festivals. And of course, as the national film agency of the country, a film festival that’s very integral in shaping the Philippine film industry, rational lang po talaga na nasa ahensya po ng FDCP ang MMFF,” paliwanag ni Diño.

Imahe mula sa Facebook ni MMDA Chair Danny Lim

Iginiit din ng FDCP chair na hindi nila prayoridad ngayon ang mga festival, tulad ng nais ipahiwatig ng MMDA, dahil mas maraming problemang kinakaharap ang bansa.

Ipinagtataka lang daw ng FDCP ay kung bakit nag-post si MMDA spokesperson Celine Pialago ng isang dokumento na 2017 pa at hindi na napag-usapan nitong mga sumunod na execom meeting ng MMFF.

Panoorin ang buong panaymam kay Diño:

Loading…