FDCP chair Liza Diño tinanggal na sa executive committee ng MMFF

Imahe mula sa Facebook ni FDCP chair Liza Diño
  • Tinanggal na bilang miyembro ng execom ng MMFF si FDCP chairperson Liza Diño
  • Nais umanong ni Diño na mailipat ang pamamahala ng MMFF mula sa MMDA papunta sa FDCP
  • Inaasahan daw sana nilang magbitiw na noon pa si Diño ‘out of delicadeza’

Tinanggal na bilang miyembro ng executive committee ng Metro Manila Film Festival si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman at CEO Liza Diño.

Base sa sulat na pirmado ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Danilo Lim, inaakusahan nito si Diño ng pagmamanipula upang mailipat ang pamamahala ng MMFF sa ilalim ng FDCP mula sa MMDA.

Imahe mula sa Twitter ni MJ Felipe

“As early as 2016, you already make efforts to transfer management of MMFF from Metro Manila Development Authority (MMDA) to Film Development Council of the Philippines (FDCP),” ayon kay Lim.

Sinubukan pa umanong sumulat ni Diño sa Malakanyang na pahabain ang araw ng MMFF at ilipat sa kaniya ang pamamahala ng festival.

“You even directly accused MMFF of being involved in the controversies, an institution to which you supposedly belong and as a member of the Executive Committee should be defending,” wika pa ng MMDA chairman.

Imahe mula sa Facebook ni MMDA Chair Danny Lim

Nakarating din daw sa pamunuan ng MMFF na patuloy pa rin ang paghahabol ni Diño sa kaniyang plano kaya hindi na dapat ito magpatuloy pa bilang miyembro ng MMDA execom dahil sa ‘conflict of interest’.

“After your first botched attempt to transfer administration of MMFF to you and your office, we were expecting you to resign out of delicadeza,” ayon pa sa sulat. “For this reason, we would like to inform you that we have decided to withdraw your appointment as a member of the Executive Committee.”

Sa inilabas namang pahayag ng FDCP, nakikipag-ugnayan na umano sila sa tanggapan ng MMFF at kay Chairman Lim upang maliwanagan ang isyu.

Basahin ang opisyal na pahayag ng FDCP:

Imahe mula sa Facebook ni FDCP Chair Liza Diño

Loading…