Filipino-American na nakapasa sa lahat ng Ivy League Schools piniling mag-aral sa Harvard University

Image by Craig McFarland via Facebook | Image by Harvard University via Facebook
  • Filipino-American Craig McFarland, pinili ang Harvard University para ipagpatuloy ang pag-aaral
  • Pinahanga niya ang mundo makaraang makapasa sa lahat ng Ivy Leage Schools sa America
  • Anak siya ni registered cardiac sonographer Donabel Santiago na taga-Pilipinas

Makaraang pahangain ang buong mundo dahil sa pagkapasa sa walong Ivy League Schools sa America; pinili ng Filipino-American na si Craig McFarland ang Harvard University para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Image by Craig McFarland via Facebook

Sinabi ni McFarland na kabilang sa mga pinagpipiliian niyang kurso sa ngayon ay ang molecular and cellular biology, linguistics, at biomedical engineering.

Pahayag niya, “The thought that I’m going to the best university in the world is just insane, especially given my background, from where I came.”

Naunang sinabi ng teenager na sa Yale University siya mag-aaral pero lumipat siya sa Harvard at isa sa mga factor dito ay ang COVID-19 pandemic.

Pinili niya, aniya, ang Yale University dahil sa magandang on-campus activities and campus life pero dahil sa pandemya, magiging online na ang klase kaya’t sa Harvard University sa Cambridge, Massachusetts na ang pinili niya yamang mas malapit ito sa kanyang mga malalapit na kaibigan at pamilyang nakatira sa Boston.

Matatandaang naging malaking balita ang pagkapasa ng intelihenteng 18 years old dahil sa malaking bagay na ang pagkakapasa sa kahit na isa lang sa Ivy Leage Schools pero ang magawa ito sa lahat ay isang achievement na kakaunti pa lamang ang nakagagawa.

Ang mga paaralang kabilang sa Ivy League Schools ay ang Brown University, Columbia University, Cornell University, Dartmouth College, Harvard University, Princeton University, University of Pennsylvania, at Yale University.

Image by Craig McFarland via Facebook

Straight-A student si McFarland at gumradweyt bilang class valedictorian sa Stanton College Preparatory School sa Jacsonville, Florida.

Anak siya ni Donabel Santiago na taga-Pilipinas. Registered cardiac sonographer ang single mom na si Santiago.

Image by Harvard University via Facebook

Loading…