Final tests para sa 2 Chinese COVID-19 vaccines nagaganap na

Photo from Pixabay
  • Dalawang COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese companies, pasok na sa phase 3 ng clinical trials
  • Ibig sabihin, ito na ang panghuling hakbang bago maaprubahan ang malawakang paggamit ng mga ito
  • Maliban dito, may isa pang bakuna mula China na naghahanap ng bansa kung saan magsasagawa ng final stage ng trial

Pasok na sa phase 3 ng clinical trials ang mga COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese pharmaceutical firms na Sinovac Biotech at China National Pharmaceutical Group (Sinopharm); nangangahulugang ito na ang panghuling hakbang bago tuluyang maaprubahan ang malawakang paggamit ng mga nito.

Photo from Pixabay

CoronaVac ang pangalan ng bakunang gawa ng Sinovac Biotech na kasalukuyang nagsasagawa ng final stage of testing sa bansang Brazil.

Higit 9,000 health workers doon ang inaasahang tatanggap ng dalawang doses ng CoronaVac at ang resulta ay inaasahang malalaman sa loob ng 90 na araw.

Kung magtatagumpay ito at mapatutunayang ligtas at epektibo ang bakuna ay magpo-produce sila ng 120 million doses sa ilalim ng kasunduan.

Samantala, sa bansang United Arab Emirates naman nagaganap ang panghuling stage ng trial ng Sinopharm.

Sinabi ng China National Biotech Group (CNBG), unit ng Sinopharm na siyang responsable sa COVID-19 vaccine project, na sa susunod na taon pa magiging handa ang bakuna dahil sa kakulangan ng taong mapagtetestingan sa China yamang mababa ang bilang ng bagong kaso roon.

Sa kabila nito, anila, nakahanap naman ng solusyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng trial sa labas ng kanilang bansa kung saan nasa 15,000 katao ang sumang-ayon na makatanggap ng experimental shot sa UAE.

Photo from Pixabay

Maliban dito, naghahanap na rin ng lugar kung saan magsasagawa ng trial sa labas ng China ang isa pang vaccine candidate na gawa naman ng CanSino Biologics Inc. at China’s military unit.

Gobyerno handang magbenta ng ari-arian para sa COVID-19 vaccine – Roque

Matatandaang sinabi ng pamahalaan ng Pilipinas na nakahanda itong magbenta ng ari-arian para makabili ng gamot sa COVID-19 kung magiging available na ito.

Pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mas mahalaga kay Pangulong Rodrigo Duterte ang buhay ng mamamayan kaysa sa ari-arian.

Photo from Pixabay

Loading…