Food processing facilities, itatayo ng pamahalaan upang ‘di masayang ang oversupply ng gulay at prutas

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Plano ng pamahalaan na magtayo ng food processing plant upang tugunan ang oversupply ng gulay at prutas
  • Ang plano ay iminungkahi ng DA kasunod ng mga ulat tungkol sa mga nasayang na kamatis dahil sa kakulangan ng buyers
  • Tiniyak ni Pangulong Duterte na tinutugunan ng pamahalaan ang nasabing isyu

Ang pagtatayo ng mga fruit and vegetable processing facilities ang isa sa mga hakbang na ipinanukala ng pamahalaan upang hindi masayang ang mga produkto ng mga magsasaka sa gitna ng ipinaiiral na community quarantine sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Kasunod ng mga napaulat na tone-toneladang kamatis ang itinapon lang dahil sa kawalan ng buyers, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagmungkahi ang mga regional offices ng Department of Agriculture (DA) na magtayo ng mga pasilidad upang maiproseso para gawing juice ang sobra-sobrang gulay at prutas.

Kasama na rin sa mungkahi ang pagkakaroon ng mga cold storage na bahagi ng long-term plan bilang solusyon sa isyu ng fruits and veggies oversupply.

Sinabi pa ng Pangulo na kabilang sa proposal ng DA ang pagtatayo ng vegetable semi-processing facility at composting facility para sa mga biodegradable waste at maging ng vegetable packing/processing facility.

Ayon pa rin kay Pangulong Duterte, ang mga nasabing mungkahi ay ginawa ng DA bilang tugon sa mga pag-aalala ng mga senador hinggil sa oversupply ng kamatis sa Nueva Vizcaya at Ifugao.

DA Sec. William Dar/Imahe mula sa DA

Tiniyak ng Pangulo na tinutugunan ng pamahalaan ang oversupply ng kamatis na nangyari dahil sa pagpapatupad ng istriktong quarantine protocols na ipinaiiral ng ilang local government units at pagsasara ng maraming hotels at restaurants.

Ipinabatid niya na ang DA offices sa Cordillera Administrative Region at Region 2 ay nakapagbenta na ng 42.5 tons ng kamatis sa pamamagitan ng ilang “Kadiwa ni Ani at Kita” outlets upang tulungan ang mga magsasaka na maibenta ang mga produkto nila.

Imahe mula sa DA

Loading…