Former Cebu archbishop, malapit nang maging ika-3 Pilipinong santo

Image by MSGR. Teofilo Bastida Camomot via Facebook
  • Archbishop Teofilo Camomot, malapit nang maging santo
  • Inaprubahan na ng Vatican ang kanyang ‘positio’ o buod ng buhay at virtues nito
  • Hinihikayat ang mga Katoliko na humingi ng tulong sa kanya kontra COVID-19

Malapit nang maideklarang ikatlong Pilipinong santo si Archbishop Teofilo Camomot ng Cebu makaraang aprubahan ng Vatican ang kanyang ‘positio’, na siyang magbibigay sa kanya ng titulong “Venerable” oras na sang-ayunan ni Pope Francis.

Image by MSGR. Teofilo Bastida Camomot via Facebook

Ang ‘positio’ ay buod ng buhay at mga virtues ni Camomot. Nakalakip dito ang talambuhay niya, testimonya ng mga saksi at ang paliwanag kung bakit siya karapat-dapat na maideklarang santo ng Catholic church.

Naaprubahan ang ‘positio’ ng Cebu archbishop noong June 17 matapos ang mabusising pag-aaral ng mga theologians, na sinundan ng mga cardinal members na siyang nagrekomenda sa Santo Papa.

Kapag naaprubahan na ito, kinakailangan ng isang miracle para madeklara siyang “Blessed” at isa pang miracle para tuluyan nang maging santo.

Matatandaang noong 2017 ang approval ng first stage of the diocesan process ni Camomot na nagbigay sa kanya ng titulong Servant of God.

Ipinaabot naman ni Rev. Fr. Mhar Vincent Balili, vice postulator for the canonisation of Archbishop Camomot, ang kasiyahan sa pag-apruba sa ‘positio’ ng archbishop.

Aniya sa Radyo Veritas, ang pag-apruba rito “is a positive and joyful occasion that gives us hope in this time of pandemic and that there are saints to help us especially Archbishop Camomot, who was a Cebuano.”

Hinikayat ni Balili ang mga mananampalatayang Katoliko na humingi ng tulong kay Camomot kontra COVID-19 na mabilis ngayon ang pagkalat sa Cebu.

Image by MSGR. Teofilo Bastida Camomot via Facebook

Kilala si Camomot sa kanyang sipag sa kanyang pastoral duties, devotion to prayer at maraming charity works.

Simple lamang ang pamumuhay nito pero maraming naisagawang pagtulong lalo na sa mga mahihirap, may sakit, walang matirhan at naghihirap.

Kilala rin siya sa kanyang spiritual gifts of healing, reading hearts, levitation at bilocation.

Image by MSGR. Teofilo Bastida Camomot via Facebook

Loading…