Fossil na ngipin ng Megalodon, natagpuan sa Bohol

Imahe via NM Bohol Area Museum Facebook
  • Isang fossil na ngipin ng megalodon ang natagpuan sa Bohol
  • Nadiskubre ito ng isang lokal na residente doon
  • Ito na ang pangalawang ngipin ng pating na natagpuan sa probinsiya

Isang fossil na ngipin ng higanteng pating ang nahukay ng isang lalaki sa Bohol at ibinigay sa National Musem sa Bohol kung saan ito ngayon matutunghayan.

Sa Facebook post na ibinahagi ng NM Bohol Area Museum noong Martes, natagpuan umano ang ngipin ng megalodon ni Christian Gio B. Bangalao, residente ng Brgy. Jandig sa bayan ng Maribojoc. Kaagad namang ibinigay ito ni Bangalao sa National Museum noong Mayo 28 para pangalagaan.

Imahe mula sa NM Bohol Area Museum Facebook

Ito na ang pangalawang ngipin ng megalodon na natagpuan sa Maribojoc. Ang unang ngipin ay nadiskubre din ng isang residente na si Venjo Busalla sa plaza mismo ng nasabing bayan noong 2018.

Kasalukuyan itong naka-display sa National Museum of Natural History sa Maynila kasama pa ang ibang ngipin ng megalodon na natagpuan naman sa Pangasinan at Cagayan.

“So far in the Philippines, only the teeth are found. Like other sharks, most of their skeleton, except for their teeth, is made of not bone but cartilage (like our nose and ears), which doesn’t preserve well in the fossil record. Consequently, their bodies never become fossils, and almost all things we know about the animal (size, diet, etc.) are based from their teeth,” paliwanag ng NM.

Christian Bangalao| Imahe via NM Bohol Area Museum Facebook

Ang megalodon ay isang extinct na pating na pinaniniwalaang namuhay sa daigdig mahigit 20 milyong taon na ang nakararaan. Ito rin ang sinasabing pinakamalaki at pinakamapanganib na pating na nabuhay sa karagatan.

Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, na ibinase sa mga ngiping nahukay, umaabot hanggang 18 metro ang haba nito at mula 27.4 hanggang 59.4 metro tonelada naman ang bigat ng isang babaeng megalodon.

Loading…